Chapter Nine

464 41 11
                                    

Kinabukasan nagising akong wala na si Jay sa tabi ko at nasa kwarto na ako. Nakatulog kasi ako kagabi habang nakahiga sa hita nya at nakanta siya. Yung walang lyrics.. Humming lang.

Paglabas ko ng kwarto ay saktong pasok niya..

Naka army green na bralette top at cargo pants. Galing ata sya sa jogging dahil pawisan pa siya. Napadako ang tingin ko sa flat stomach niya na pawisan na..

"You're awake na pala.. I bought food for us" she's smiling like a sunshine.

"G-good m-morning" wala sa sariling saad ko.. Parang pinagpawisan na rin ako.

Nainom siya ng tubig at medyo may natapon pa kaya tumulo iyon sa may baba niya pababa sa dibdib niya..

Shit.

"Good Morning Mi Amor!" masiglang bati niya pa rin. Napahinto ako sa sinabi niya..

Mi amor?

"Hi Kare, good morning my princess.." bati nya naman sa pinsan ko na kakalabas lang ng kwarto.

Okay.. Princess pala ah.

Dumiretso na ako sa cr at nag-umpisa sa morning routine ko.
Habang nasa loob ng cr ay rinig na rinig kong nagtatawanan si Jay at Kare.

I don't know why i'm feeling this. Naiinis ako.

Paglabas ko ng cr ay di ko maiwasan bumusangot. Lalo na ng makita kong pinupunasan ng pawis ni Kare si Jay.

Duh! Ang laki laki na nun e. Tsaka kung ako kay Arjon magseselos ako kapag nakita ko, lalo na't alam kong may gusto si Kare kay Jay. Kahit na crush lang yun nuh!

"Hi Couz! Ikaw na magpunas kay Jay. Baka kasi matuyuan ng pawis ito at magkasakit. Maliligo na rin kasi ako, may pupuntahan pa kami ni Arjon" inabot nya sakin ang bimpo at pumasok na sa kwarto niya..

"Wag mo na punasan likod ko.. Ayos lang" saad ni Jay habang nagpapatuloy sa pagluto..

"Kapag si Kare at yung iba ayos lang. Kapag ako hindi?"

Lumingon naman siya at tinitigan ako ng may pagtataka.

"Baka kasi ayaw m--" di nya na natapos ang sasabihin nya ng punasan ko ang muka niya na pawis na pawis..

Para pa siyang naistatwa kaya may diin kong pinunasan ang muka niya..

"Aray!" reklamo niya sakin..

Binababa ko ang pagpunas ko hanggang sa leeg niya.. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin niya pero nag-focus na lang ako sa pagpunas sa kanya.. Pababa sa may dibdib niya... Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko para pigilan kaya napatingin ako sa kanya..

"A-ako na.." inagaw nya sakin ang bimpo..

"Bahala ka! Ang arte mo!" siya na nga ginagawan ng pabor. Nakakainis! Sa iba ka na lang lumandi!

Tumalikod na siya sakin at sinimilang magluto. Akala mo naman kung sino ayaw magpahawak sakin! Bakit?! Gusto ba kitang hawakan?! Argh!!

Padabog akong pumasok sa kwarto.

Ilang sandali pa ay kinatok niya na ako sa kwarto..

"Ano?!" masungit na tanong ko

"Bakit init ng ulo mo? Hahahaha" inirapan ko naman siya. Patawa tawa pa

"Kain na tayo my princess.." malambing na ani niya pero lalo lang akong nairita.

"Lahat ng babae mo, sinasabihan mo ng ganyan nuh?!"

"Wala naman akong babae ah" depensa niya. Tinulak ko lang siya para tumabi sa dinadaanan ko.

"Aray ko.. Sinusumpong ka na naman" naupo na lang ako sa upuan dahil nakahanda na ang pagkain.

She's Faithful Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon