:: Chapter Twenty-Seven

54 4 0
                                    

FEATURED SONG: ELECTRIC LOVE- BORNS

HAPPY 1.94K READS UPDATE! 💗🎉

ERRORS AHEAD!

DANNY'S POV

"Marry y—" I haven't finished my sentence because Lizette pulled my hand. Dinala niya ako sa stall at tinuro niya sa akin ng isang barbie na gusto niyang ipabili.

"Mommy, I want this. Buy this for me." Tumango naman ako at doon ko lang napansin na hindi ko pala hawak ang wallet ko. Naiwan ko pala sa kotse nung tinawagan ko si Lucas kanina.

"Wait, baby. Kukunin ko lang sa kotse ah. Dito ka muna kay Tito Chaster." Tatakbo na sana ako pero biglang humarang si Chaster sa harap ko at pi-nat ang ulo ni Lychie.

"Ako na. ." Sabi niya at lumapit sa counter. Binayaran niya ang doll at saka naman iyon kinuha ni Lizette at nagtatalon-talon.

"Thank you, Tito Daddy." Sabi niya at ngumiti.

"Don't spoil my daugther." I hissed.

"I won't. Minsan lang 'yan. And by the way, utang pala 'yon. You owe me again so think about the things I've said earlier."

"Magkano ba? Babayaran na lang kita." Sabi ko at nauna maglakad. Parang ang labo kasi nung sinasabi niya. Hindi ko ata kaya.

//

"Last pair to join us!" Sigaw ng announcer. Agad akong hinila ni Chaster at nakita ko rin si Lizette na pumapalakpak.

"Hoy? Ano ba? Hindi ako marunong maglaro!" Reklamo ko at binitawan siya. Sinulat na niya ang pangalan namin bilang contestant. Nakasuot pa ako ng heels kaya tinanggal ko muna 'yon at nilagay sa may gilid.

May isang malaking sako na kasya kaming tatlo. Chaster entered first and assisted me after. Si Lizette ang nasa harap at nakapwesto na kaming dalawa sa likod.

"Hold on." He whispered. I never felt this way before. Nilagay ni Chaster ang kamay niya sa balikat ko at sobrang ganda ng ngiti niya. He's now enjoying the game kahit hindi pa naman start.

Winagayway ng host ang white flag hudyat na simula na ang game. Nakahawak ako sa tagiliran ni Chaster at mas lalong humigpit pa habang naglalaro kami. I just find it fun somehow. Sobrang saya rin ni Lizette. Dapat sabay sabay rin kaming tatlo tatalon. Muntik na nga rin akong matisod kanina.

Sobrang lakas ng tiliian ng mga tao. Karamihan sa kanila nagchi-cheer. Talon ng talon si Lizette at nag-eenjoy rin si Chaster. Finally, we met the finish line. Agad umalis si Chaster at Lizette sa sako at talon ng talon. Naiwan ako mag-isa doon hanggang sa hatakin ako ni Chaster palabas. I have no idea, why. Nakakabingi ang mga tao sa paligid.

"Mommy, we won!" Lizette shouted. Napatingin ako sa likod ko at totoo ngang nanalo kami.

"OMG!" I shouted. Tumalon din ako sa tuwa at hindi ko namalayan na nakayakap na pala ako kay Chaster. I feel safe. He hugged back as usual. Hindi ko alam kung bakit. I know we're just friends. Pero bakit parang hindi ko na kaya panindigan.

We received a ticket. Actually, it's a simple giftcheck or voucher? Pwede daw kaming mag unlimited ice cream sa stall na nasa loob rin ng gym.

Next naming itatry ang horror booth. Actually, ayokong pumayag pero minsan lang naman at gusto rin ni Lizette. I never thought that she's brave enough to enter something like this.

"Wait, Sure na kayo? Wala ng atrasan?" Tanong ko at tango naman ng tango si Chaster. Rinig mo na ang sigawan kahit nakapila palang kami. Feeling ko talaga nakakatakot sa loob.

"Sus, ako pa?" Sabi ni Chaster at inayos pa ang buhok niya.

Pumasok na kami at hindi ko akalain ang nangyari. Akala ko ba ako ang takot at hindi si Chaster?! Nakahawak sila sakin ng sobrang higpit at ako ang inuuna nila sa daan. Nakatago si Chaster sa likod ko at sigaw ng sigaw.

Love, D #3: Marriage not DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon