(Yannha's POV)
*BRR...BRR...BRR..*
Nagising ako sa alarm ng aking orasan nang tingnan ko ang oras alas-tres pa lamang ng umaga.Pumikit uli ako dahil inaantok pa ako pero naalala ko na field trip nga pala namin ngayon.
Dali-dali akong bumaba ng kama para kumain, nasa kusina na si mommy dahil mas maaga siyang nagising sa akin.
"Good morning." Bati ko kay mommy, "kumain ka na para makapag toothbrush ka na." Sabi ni mommy ,tumango ako bilang tugon, nga pala di pa ako nakakapag-introduce myself.
I'm Yannha Santos 14yrs and 2 weeks old, yes fresh birthday celebrant ako hahaha. I was born on October and I live in Nagcarlan,Laguna. I'm a 2nd year highscool student in the sole catholic school in our bayan.
"Yannha bilisan mo na!" Paalala sa akin ni mader, masyado ako na-caught up sa pagpapakilala. Anyway mabilis kong naubos ang pagkain ko at saka ako pumuntang banyo para mag-toothbrush at maglinis ng katawan.
Naligo na kasi ako ng buhok kagabi kaya hindi ko na liliguan ngayon, masyadong malamig ang tubig lalo't ngayon ay November na. After how many minutes sa wakas ready na ako lumayas. "Tara na baka malate ka pa." Sabi ni mommy
"Lezzgow!" Excited kong sambit, 4:00 am na kami nakarating ni mommy sa patio ng simbahan, dun kasi ang meet up place namin for field trip, buti na nga lang at mayroon kaming nasakyan na tricycle kanina masyado pa kasing maaga para bumiyahe ang mga taxicle.
Nakita ko na ang ilan sa mga kaklase ko na nasa may tapat ng simbahan. "Ey!" Bati ko sa mga kaibigan ko. "Ilan palang pala tayo." Sabi ko, ang pinuntahan ko ay sina Grace na kaklase ko, si Kenneth at Vincent na parehong taga-kabilang section. "Lakas ng energy natin ah." Wika ni grace tumawa ako bilang sagot.
Maya-maya pa ay nakita naming lumapit sa amin ang aming mga teacher, "Good morning po." Bati sa mga magulang namin na nandoon at saka sinabi sa aming "Pumunta na kayo sa mga bus niyo, any minute ready na tayong umalis." Saka umalis para naman sabihan ang ilan naming kaklase, di ko napansing madami-dami na din pala ang mga dumating.
"Yannha, uuwi na ako." Paalam ni mudra "Babye, ingat. Mwah." Sabi ko, "Ingat din, text mo na lang ako. Babye." Pagkasabi ni mommy ay umalis na siya.
Sabay na kami ni Grace pumunta sa bus namin at si Kenneth at Vincent ang sabay kasi magkaklase sila.
After ng ilang minutong paghihintay sa mga wala pa eh umalis na din kami, ako ang nakaupo sa bintana ngayon kaya makapag-emote muna hahaha.
Sinuot ko ang earphones ko at saka tumingin sa labas, medyo maliwanag na sa labas kaya hindi reflection ko ang nakikita ko, I can see how the surroundings slowly gets devoured by the sunlight.
BINABASA MO ANG
Love at First Smile
RomanceHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...