C2

124 8 0
                                    

Pag-uwi ng bahay ay naiinis na binaba ni Kathrine ang mga dala-dala galing palengke at ipinasok sa loob ng bahay.

"Trina," tawag niya sa kapatid na bunso.Andito na si ate may pasalubong ako sa iyo.Bilisan mo.

Tumakbo ang kapatid niyang bunso dahil sa excited na malaman ang pasalubong ni ate niya.

"Wow!" kuya may barbie akong pasalubong galing kay ate.Ang ganda niya.

"Talaga! "eh paano naman ako ate walang pasalubong sa iyo?nagtatampong kunwaring tanong ni Karl sa kanyang ate.

Siyempre meron din love kayo ni ate .Kayo ang favorate kong kapatid sa buong mundo.

"Wow!" Ang ganda ng damit. "Salamat ate "sabay kiss nito sa pisngi. Ikaw talaga ang pinaka da best ate sa universe.

"Welcome"....at ikaw din ang pinaka bolero na kapatid sa universe habang hinihimas ang buhok ng nakakabatang kapatid.Natatawang naluluha siya sa reaksyon ng mga kapatid.Simple lang naman ang kanyang binigay ngunit ang mga ngiti nito ay katumbas ng saya sa kalawakan abot langit.Ganoon talaga ang mga mahihirap sa simpleng bagay masaya na kami.

"Oh nasaan yung para sa akin" ang tanong ng amang lasenggo.?

"Siyempre ",meron din para sa alak ni itay."vow!" sabay abot ng pera sa kanyang ama.

Ang dami mo yatang pera ngayon dagdagan mo ito.

Hay naku itay ,kung sa alak lang wala na akong pera.Bakit hindi kayo magtrabaho para may pambili ka ng alak?

Aba at matapang ka na. Sino ang ipinagmamalaki mo?",sigáw nito.Gusto mong masaktan? Ano dagdagan mo ito o makatikim ka ng sampal?"'pananakot nito.

Kahit labag sa kanyang kalooban ay Nanginginig siyang inabot ang pera sa ama.

"Meron naman pala gusto pang masaktan eh" ,sabay labas ng bahay at ibinabalibag ang pintuan.

"Ate,bakit mo binigay kay itay yung pera eh ipangsugal at alak lang niya yun".sabi ng bunso ng kapatid.

Okey lang yon ang importante hindi kayo sasaktan ni itay.

Ewan ko ba kay inay ayaw pa iwanan si itay sobrang  batugan naman at lasenggo pa. Ang martyr niya.

Hoy, nadidinig  ko ang mga  usapan niyo mga anak pagpasensiyahan niyo na si itay niyo magbabago din yon.

Kailan pa inay ? "Pagputi ng uwak hindi po mangyayari yun inay",pilosopong sabi ni Kathrine.

Habang may buhay may pag-asa anak.

Naku inay kahit magsimba ka pa sa lahat ng simbahan hindi ka pakikikinggan ng mga anghel ang itay sagad sa buto ang pag-uugali.

Ah siya anak maghain ka na at kakain na tayo.Huwag niyo nang pansinin si itay niyo.

"Opo,inay!"ang sagot ko.

Naghain ako ng pritong isda na galunggong at pritong talong.Oras na ng tanghalian kaya kakain na kami.

Oh anak,bayaran mo na bukas ang third sem mo ito yung pambayad mo.

Huwag na po inay,may pera po ako.Ako na munang bahala itago niyo na muna yan.

Sigurado ka ba anak? Saan ka naman kumuha ng pera?Okey kung ganoon.Makakatipid ako sa semester na ito.Bayaran pa naman ng kuryente ngayon wala pa akong naipon.

Sige lang po inay,ako na bahala sa pambayad ng tuition ko.

Ang dami mo yatang pera anak baka kung saan na galing yan ha?malilintikan ka sa akin.Ang sabi ko sa inyo kahit mahirap lang tayo basta sa maganda galing yung pera.

The Contract  MarriageWhere stories live. Discover now