Loving: Twenty-Five

143 12 15
                                    

Miracle


It’s Friday of the week at inaasahan ko na ang pagdating ni Zack. At hindi nga ako nagkamali dahil mga alas kwatro ng hapon ay tumawag siya na sa hospital siya maghihintay.

“Oo, sa hospital ako maghihintay. Tutal pupunta ka naman dito after class,” sabi niya.

“Okay lang ba sa ’yo na dyan ka maghintay? I mean, the environment isn’t healthy mas okay kung sa bahay ka maghintay,” I suggested.

“No, it’s fine. Para naman may kasama si Ate Zia. Actually nandito na ako.”

Nagulat ako nang sinabi niya na nandoon na siya. Kani-kanina lang sabi niya kakarating pa niya tapos ngayon nandoon agad siya. He didn’t come to Cebu for two weeks. Ngayon lang ulit.

“Okay, if you say so. Just wait for me there, pauwi na ako.”

“Yeah sure, love. Take good care, I love you!” Sabi niya at napangiti naman ako.

Bakit ba sa tuwing naiisip ko siya o nakakausap tapos sasabihan niya ako sa tatlong katagang iyon, pakiramdam ko ako na ang pinakasuwerteng babae sa mundo? I’m beyond lucky to have such man.

Aaminin ko, noong una takot talaga ako sa relasyon namin. But he’s always there trying his best for me to be okay. Kaya ngayon nawala na ang pangamba ko sa aming relasyon. As long as his treatment towards me won’t change, okay lang sa akin.

“I love you more, Zack.” I replied, giggling.

Hindi ko alam, kinikilig talaga ako. Sa bawat bigkas niya sa tatlong katagang iyon, parang nag-iinit ang mukha ko at may kung ano ang gumagalaw sa tiyan ko.

Mabilis akong nag logbook bago umalis. I am in a work immersion at the moment at kailangan na kailangan ang attendance at number of hours namin sa pagtatrabaho. We will be given additional days of work kapag hindi namin makuha ang kailangang oras namin sa pagtatrabaho.

While I’m still on the road tinawagan ko si Zack na papunta na ako. He keeps on telling me to take good care, eh ano pa nga ba? Sino nga ba ang may gusto na ang buhay malagay sa peligro? Apparently, there’s none.

Minutes after driving, nakarating na ako sa parking lot ng hospital. Mabilis akong naglakad patungo sa lobby kung saan sa unahan no’n ay ang elevator. I pushed the number seven and the door closed automatically.
Panay ang buntonghininga ko. Because today, walang pinagbago.

Gano’n pa rin si Ate. Maputla ang mukha, katawan na nanghihina, mata na parang pagod na sa lahat. I’m sick of seeing her like that. Gusto ko siyang tulungan, pero may magagawa ba ako in terms of her health? Wala naman hindi ba? Sa pagkakaalam ko tanging suporta at pagdadasal lang magagawa ko.

The lift’s door opened and it revealed five private room doors. Isa sa mga room doon naka-stay si Ate.

Dahan-dahan akong naglakad kung saan ang kwarto niya at kalmado rin ang aking pagpihit sa doorknob doon.
When it opens, I saw Ate and Zack. Talking and laughing. And I love the feeling of it. At least, nakakatawa pa rin si Ate. Seconds later nakita ako ni Ate.

“Zen, you’re here,” sabi niya na parang excited siya na nandito ako.

“Come here, usap tayong tatlo.” Patuloy niya.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad akong nagtungo sa kanila.

“How’s your day Ate?” I asked her.

“It’s okay. Though napapagod ako…” sabi niya. “Parang lahat ng ugat ko sinuyod ng gamot. Kaya apektado lahat ng parte ng katawan ko. Ang sakit talaga, pero may plano pa ako mabuhay kaya lalabanan ko ito.” With weak voice, she manifested those words.

Loving Him Even In SadnessWhere stories live. Discover now