Kidnap
Hindi ko alam dahil simula sa pagtulog ko may iba akong nararamdaman. My chest felt heavy and I felt worried at the same time. Pero patuloy lamang ako sa pagtulog habang yakap si Zack.
Nang magising ako agad akong tumingala para mahalikan si Zack sa paggising, pero laking pagtataka ko nang nakatabon ang kumot sa mukha niya.
I didn’t know that he wants his blanket covered on his face. Dahan-dahan ko iyong tinanggal nagbabakasali na magulat siya kung gugulatin ko siya para magising.
“Good morning.” Magiliw kong sigaw sa kanya pero agad akong napaigtad at naalarma nang wala si Zack sa tabi ko.
Tangina! What is happening? Bakit ngayon ko lang naramdaman na unan na lang pala ang kayakap ko at hindi siya? Pero sa kabila ng lahat, pilit kong kinalma ang sarili at inisip na baka maaga lang talagang gumising si Zack at nilagay niya lang ang unan bilang siya para hindi ako magising.
Pero hindi e. May parte sa akin na hindi naniniwala sa baka sakali ko. Malalim ang aking bawat paghinga, iniisip kong anong paniniwalaan ko.
“Zack?” I called him nang bumangon ako at lumabas sa pinto ng silid namin. “Zack?” Tawag ko na naman nang makarating ako sa hagdan, pero walang sumasagot sa akin.
Kinakabahan ako nang husto sa hindi malamang dahilan. Napapatanong ako sa sarili ko kung may bagay ba na dapat kabahan? Dalawa lang ang rason…at alam kong imposible na iwan niya naman ako. Ang isa ay…
“Shit!”
Naglakad pa rin ako hanggang sa dumating ako sa receiving area at doon kita ko ang pagkakagulo ng ibang gamit. Wala sa ayos ang vase, may vase na nasa sahig at mukhang natabig iyon. Ang sofa na wala sa normal na pinaglagyan, parang nadaganan iyon dahilan bakit nawala sa ayos. But who would do such thing?
Ang laki pa rin ng pagtataka ko. Parang…parang may hindi magandang nangyari. Pero may isang bagay na kumuha sa atensyon ko. Ito ay ang papel na nakalukot sa sahig. Kaya kahit nagtataka, pinulot ko iyon at binasa. Gano’n na lang katindi ang aking pangamba pagkatapos kong mabasa iyon. I didn’t know that this will be possible. Pero nang naalala ko, ang laki ng posibilidad.
Dala sa pangamba, mabilis kong tinakbo ang distansya ng receiving area hanggang makarating ako sa kwarto ni Zack sa second floor and there I saw my phone ringing. The caller ID is unknown pero kailangan ko iyong sagutin.
“Zen! Don’t come here, you’ll be in trouble.” Dinig kong sigaw sa kabilang linya at alam na alam ko ang tinig na iyon dahil tinig iyon sa taong mahal na mahal ko.
“Tumahimik ka!” Dinig kong sigaw nang kung sino at dinig kong may parang sinampal. I automatically clenched my fist after hearing it.
Huwag silang magkamaling saktan si Zack dahil hinding-hindi ko na talaga sila bubuhayin!
“Lieutenant…” tawag nang kung sino habang tumatawa. “Namimilipit na sa sakit ang nobyo mo rito, wala ka pa rin bang gagawing aksyon?” He asked sarcastically.
“Who the fuck are you?! Don’t you dare hurt that man or else…”
huminga ako nang malalim bago ko pinag-isipang mabuti ang susunod na sasabihin. Dahil sa oras na ito alam ko na kung sino ang pakana nito.
YOU ARE READING
Loving Him Even In Sadness
RomanceDreams versus love? Will love win, or will dreams be prioritized first? Zen and Zack have their own big dreams, but will they sacrifice their dreams for their love, or is it the other way around? Love is a big word, and as someone who's as young as...