Loving: Thirty-Three

129 8 9
                                    

Trust


That night passed with me sleeping on his bed in his house. Hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti sa tuwing maalala ko na pinagawa niya ang bahay na 'to sa dahilan na baka kung magkatuluyan kami may bahay na kaming matitirhan.

Silly. How come pareho kami nang naisip? Hindi ko i-de-deny na talagang pinagawa ko rin ang mansion ko dahil sa parehong rason na mayroon siya. Was that a coincidence? Are we really fated?

Gumising ako sa tabi niya kanina at nagpahatid na rin ako sa kaniya sa bahay ko. It's Monday today at kailangan ko na pumunta sa Capitol. Sabi ni Zack sasama siya pero ayaw ko. Hindi sa kinakahiya ko siya, sadyang hindi ako mahilig magdala ng tao sa tinatrabahuan ko.

I prepared. As usual, naliligo, nagbibihis, kakain at aalis. It's the usual routine all people have. I wore a grey Gucci suit and partnered it with a stilettos.

I topped it with a Christian Dior handbag and I'm off to go. It's still seven thirty and my time-in will be eight so I'm a bit early.

Nang naglakad ako patungo sa garahe ng bahay, I can't help but to smile all of what happened recently. Parang kailan lang galit na galit ako kay Zack dahil nasaktan niya ako ng husto. But see how weak I am to him? I didn't doubt his explanations dahil aside sa kanya, may ibang nakakaalam pa.

Issa. Si Issa ang unang nakaalam kesa sa akin. And who am I to doubt him when even my closest friend knew it. Hindi ko alam paano sinabi ni Zack ang nangyari kay Issa but I'll know in time. We just have to take this slowly.

I drove another Bugatti off to the Capitol. The drive was annoying because of the damn traffic. Nang nakarating ako sa Capitol, five minutes before eight in the morning na.

When I set foot in the lobby panay bati sa akin ang mga empleyado roon. They kept on saying good morning, Gov which was okay to me. I love them calling me Gov. It feels like I have the authority. Pero hindi ko naman inaabuso ang posisyon ko.

"Good morning, Gov. Mabuti at maaga ka dumating," bungad sa akin ng aking sekretarya. Kent Mendoza. It's his name.

"Yeah, good morning. I expect I have something to do today. So, where are the papers?" I asked.

"It's just above your table, Gov," sabi niya at nagsimula na akong maglakad. Nang hindi ko maramdaman ang pagsunod niya agad ko siyang nilingon.

"Won't you come inside?"

"After you, Gov. Anyway, coffee, Gov? Or tea?"

"No need. I'm good."

Nang maupo ako roon, I felt like the world is above my shoulders. Yeah, back to reality Zen. You can freely wander around in Luzon bringing the title First Lieutenant pero rito sa Cebu, may iba ka ring tungkulin.

I spend almost half of the day, reading, and signing papers. Those budgets, mga taong nangangailangan ng supporta sa hospital at iba pa. Eleven in the morning came and I heard a knock from my door.

"Gov, what's yours for lunch?" He asked.

"Anything. Huwag lang masyado maraming rice. And add fruits," tugon ko sa kanya.

"You're different. You really love rice before, Gov. And now, ayaw mo na nang marami," he chuckled after saying it. Kaya hindi ko rin maiwasan na mapatawa.

Sa gitna ng aming tawanan biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Zack. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. He's here carrying a bouquet of roses and what? A lunch box?

"You can now leave, Kent." I told my secretary at malugod niya naman iyong sinunod.

When Kent disappeared from my sight, I automatically looked at Zack that is now having that emotionless face.

Loving Him Even In SadnessWhere stories live. Discover now