Loving: Twenty-Six

127 11 8
                                    

Pain



Nang matapos ang usapan, lakad-takbo akong umalis patungo sa kwarto ni Ate.

“Where’s your food?” Tanong na sumalubong sa akin galing kay Ate Zia.

“Uh…hindi ko kasi alam kung ano’ng bawal o hindi sa ’yo Ate, kaya hindi ako bumili nang kahit ano,” pagsisinungaling ko.

Fuck! Why am I lying?

“Zen, alam mo kung ano lang dapat kong kainin. Almost two months na ako rito sa hospital, hindi mo ako maloloko…now tell me, what have you heard?” She asked.

My eyes grew bigger at her statement, and for her question. Fuck! Sabi na huwag magsinungaling sa taong mas kilala tayo eh! Kinabahan ako sa kanyang tanong at sa kanyang tono ng pananalita.

I am supposed to open my mouth to utter a word but the door creaked open kaya natahimik ako.

“Zia, how are you?” Diretsong tanong ni Kuya kay Ate.

“I'm fine, Kuya.”

Kuya Lemnuel smiled at it.

“It’s rare…you, calling me Kuya. Si Zen lamang ang hilig tumawag sa akin no’n dahil kailangan niya talaga akong tawagin nang gano’n dahil napakalayo ng agwat namin. What’s with the sudden change of mind? Baka pasalamatan ko pa ang rason mo,” natatawang sabi ni Kuya. Pero si Ate nanatiling nakatitig sa kanya.

“I called you that way because, maybe… this will be the last time I’ll be calling you by it.” Malamig na sabi ni Ate.

Agad tumulo ang aking luha nang mabilis niyakap ni Kuya si Ate dahil sa kanyang sinabi. “No, Zia. I won’t ever thank you if that’s the reason. You’ll live with us longer than what you expected. Okay?” Sabi ni Kuya na ngayon ay nanginginig na rin ang balikat.

He’s crying.

“Ang sakit na Kuya, from time to time sumasakit ang ulo ko. Kahit nakahiga lamang ako, tinatamad ako. Ang putla ko na, parang wala ng nutrisyon ang katawan ko, parang wala nang buhay ang katawan ko.” Umiiyak na sabi ni Ate.

"Shh, don’t cry Zia. Kuya’s here, don’t cry. Nandito kami,” sabi ni Kuya sabay haplos sa pisngi ni Ate. “You are still beautiful even when your face is now pale. For me ikaw pa rin ang pinakamalakas kahit sa pakiramdam mo ikaw ang pinakamahina.” Patuloy ni Kuya habang hinahaplos pa rin ang mukha ni Ate.

“Give me a tight hug from all of you. At magiging okay ako.” Sabi ni Ate at wala pang limang segundo nang mabilis kaming nagtungo sa kanya.

When we are all about to hug her, hinarang ni Ate ang kanyang kamay sa amin.

“Zack, come here. You’re part of the family, give Ate a hug.”

Nahihiya man. Pero tumayo pa rin si Zack at naglakad patungo kay Ate at sabay kaming yumakap sa kanya.
A family hug. Napakasarap sa pakiramdam.

***

Since hapon na nang mapunta ako rito sa hospital, mga eight ng gabi na kami nakauwi ni Zack sa bahay.

Ramdam ko ang kakaibang kinikilos ni Zack. Hindi siya masyadong nagdadaldal sa akin. Before, kapag pumupunta siya rito, he’ll burst out how he missed me so bad, how bad he felt when I didn’t ask for his time. Pero ngayon, parang wala. He’s uptight and quiet.

“Zack, are we fine?” Tanong ko nang nauna siya sa akin maglakad.

Slowly, he turned to me.

Loving Him Even In SadnessWhere stories live. Discover now