Prologue

61 4 0
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*******************************************

 "Madelaine!" sigaw ni Zaire na akala mo hinahabol ng aso.

Nilingon ko ito at hindi nga akala lang ang naiisip ko dahil hinahabol nga siya ng aso!

Nang makalapit si Zaire sa kaniya ay agad siyang iniharang nito sa golden retriever na hinahabol siya.

Eh, paano hindi siya hahabulin? Tumatakbo siya!

"Madelaine." usal niya sa pangalan ko. "Yung aso!" sumbong niya sa akin na parang bata.

I laugh, she glare at me because of that.

"Bakit mo ako tinatawanan?" nakataas ang kilay na tanong nito.

Tumahol bigla ang aso dahilan para mapatingin siya dito.

Mukha namang mabait.

Inilipat niya ang atensyon sa kaibigan niyang si Zaire.

"Para kasing ewan," sabi ko. "Paano ka hindi hahabulin, tumatakbo ka."

"Eh, baka kasi kagatin ako," pagdadahilan niya.

"Hindi 'yan, mukha namang mabait yung aso," sabi ko at itinuro ang asong nakaupo na sa harapan ko na kanina lang ay hinahabol si Zaire.

"Clover!" tawag ng isang nakasumbrerong lalaki sa aso, agad itong lumapit sa kanya.

Naglakad ako papalapit sa lalaking nakasumbrero. "Aso mo?" tanong ko, nag-angat ito ng tingin sa akin.

"Zelle?"

Nanlaki ang mata ko nang malaman kung sino it.

"Akiro?" Banggit ko sa pangalan niya.

Hindi ko inakalang magkikita ulit kami, simula nung iwan ko siya para pumunta ng ibang bansa. At parang gusto ko n lang maglaho na parang bula sa harapan niya, ilang taon na rin kasi ang lumipas nang pumunta ako sa Korea at iniwan siya dito sa pilipinas.

"Zelle," naglakad ito papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Sobrang namiss kita." bulong niya sa tenga ko.

Hindi ko siya inimik dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin ko sa kanya, iniwan ko siya.

Nang kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin ay iniharap niya ako sa kaniya at direstsyong tinignan sa mga mata. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong nito. "Ilang years tayong hindi nagkita, simula nang iniwan mo ako," nang bitawan niya ang mga salitang iyon ay may kirot sa puso akong naramdaman.

"I'm sorry Kiro." mahinang sabi ko sa kaniya at diretsyo siyang tinignan sa mata. Kitang kita ko doon kung gaano kasakit ang kanyang nararamdaman.

"Bakit mo ako iniwan, Zelle?" tanong niya. Pansin ko ang pamumula ng gilid ng kanyang mata, para bang unti nalang ay tutulo na ang kaniyang luha.

"Natakot ako Kiro," I slightly bit my lower lip. "S-sorry."

"Natakot saan, Zelle?" tinignan ko siya nang diretsyo sa mata dahil sa tanong niyang 'yon, naguguluhan at pagtataka ang nababasa ko roon.

"Natakot ako na baka masira yung career mo dahil sa akin," sabi ko at mahina kong kinagat ang aking labi. "Ayokong masira yung career mo na matagal mong iniingatan. Kiro, ayokong mangyari 'yon."

"Zelle, okay lang naman sa'kin kahit mawala yung career ko. Ikaw yung hindi okay sa akin na mawala sa buhay ko." Titig na titig na sabi nito at hinawakan ang kamay ko. "Zelle, mahalaga ka sa buhay ko."

Agad niyang binawi ang kamay dito. "Kiro hindi!" sabi ko at umiling.

"Zelle naman!" sigaw nito habang diretsyong nakatingin sa kaniyang mga mata. "Iniwan mo na nga ako, tapos ngayon na andito na ako,sasaktan mo pa'ko?"

Umiling-iling ako. "S-sorry."

"Hindi ko kailangan yang sorry mo." Umiling siya. "Ikaw ang kailangan ko."

"Kiro." kinagat ko ang labi ko. "Sorry sa lahat nang nagawa ko sayo. Sorry kasi iniwan kita, sorry kasi nasasaktan ka dahil sa'kin."

Umiling siya. "Hindi 'yan yung gusto kong marinig,"

"Ano bang gusto mong marinig mula sa akin?" tanong ko at diretsyo siyang tinignan. "Kung bakit kita iniwan?"

"Hindi." Umiling siya.

Hindi ko siya maintindihan.

"Gusto kong marinig na mahal mo ako." Habol niya.

Natigilan siya nang dahil do'n at napatitig sa kaniya.

Matagal ko nang kinalimutan yung nararamdaman ko para sa kaniya. Pinilit kong kinalimutan yung nararamdaman ko para sa kaniya, hindi dahil ayoko na, ngunit dahil ayokong mawala yung pinaghirapan at pangarap niya.

"Zelle magsalita ka naman, oh." He hold my hand while tears are falling. "Mahal mo pa ako 'di ba?"

Hindi niya magawang mabuka ang kaniyang bibig at sautin ang tanong nito.

"Zelle naman!"

I look at him.

"Mahal mo pa ako 'di ba?" lumuhod ito at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Sagutin mo naman ako, parang awa na,"

"Kiro." Usal ko sa pangalan niya. "Please wag dito," sabi ko at hinihila siya patayo. "Maraming makakakita sa atin dito."

"Wala akong pakialam kung may makakita sa a'tin dito." sabi niya habang diretsyong nakatingin sa aking mata.

Napatitig ako sa kaniya.

He look so hurt.

"Kiro, mahal kita,"

Tumayo siya sa pagkaka-luhod at diretsyo akong tinignan sa mga mata. "Mahal din kita, Zelle." He smile at me and hold my face.

Tumulo ang luha niya nang marinig iyon mula sa bibig ng lalaki.

He hold her face and wipe her tears.

"Bakit ka umiiyak?" He ask her, but she couldn't answer. "Masaya ka ba? Kasi ako, masaya ako, masaya akong andito ka na ulit at nalaman kong mahal mo ako."

"Mahal kita pero," Hinawakan ko ang kamay niya at inalis ito sa mukha ko. "Noon 'yon."

Napakunot ang kaniyang noo. "What do you mean?"

"Hindi mo na ako mahal?" he ask while staring straight at my eyes. "Hindi mo na ako mahal?"

I nod

"Pero bakit? Paano? Kailan?" sunod-sunod niyang tanong,

Itinaas niya ang kaniyang kamay at ipinakita ang singsing na suot. "I'm already engaged." I said and smile bitterly.

"W-what?" nanginginig ang bibig na sabi niya.

"I'm already engaged," ulit ko. "I'm already engaged with Zeki."

"With Zeki?" kunot noo nitong tanong.

Tumango ako.

"K-kailan pa?"

"Bago pa ako umuwi dito." I smile at him. "I'm sorry."

He smile at me with a teary eyes. "Congrats! I hope you'll be happy with him."

I smile at him perfectly. "I'm already."

He nod and gave me a little smile. "I love you." he whisper and walk away. 

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon