Sa isang natatago at mahiwagang mundo sa kanlurang bahagi ng Monasteria na tinatawag na Agoshopeia, magsisimula ang lahat. Bunga ng kasakiman ng reyna ng Agoshopeia, pinatawan siya ng mahigpit at malupit na parusa. Ang kaniyang anak ay dadalhin sa mundo ng mga tao at bibigyan lamang ng tatlumpung diyamante. Katumbas ng isang diyamante ay ang limang araw na buhay kaya naman ang tatlumpung diyamanteng nasa kaniyang anak ay tatagal lamang sa loob ng isang daan at limampung araw. Tinanggap niya ito ngunit iba pala ang mararamdaman niya sa oras na dumapo ang pag-ibig sa kaniyang buhay. Paano na ang kagustuhan niyang mamuhay nang mas matagal kasama ang kaniyang minamahal kung may sumpang pumipigil sa kaniya? Paano nga ba mababali ang parusa? Mababali pa nga ba ito? Most Impressive Ranking: Fantasy - #597 out of 29K stories Date Written: December 15, 2020 to February 03, 2021 (51 Days of Writing) COMPLETED _erynnn_ | ERYN WRITES