The white curtain was swaying gracefully while I was staring at her silently sitting on the wooden chair.
Napangisi ako ng makita na suot nito ang white polo ko. Kumunot ang noo ko, sa isipang wala itong saplot kundi iyon lang.
She sipped on the hot chocolate she was holding, bigla akong nataranta ng mapaso ito.
"Bella!" nagaalalang tawag ko sa kanya at mabilis na lumapit.
Napahinto ito at marahan na ngumiti sa akin. Natulala ako ng tumingin ang magaganda nitong mga mata. Her long natural eye lashes was difining her eyes that makes her more seductive.
Umigting ang panga ko, we just did quickie at the kitchen. Halos, buong gabi ko siyang inangkin.
Tumikhim ako.
She needs to rest, reminding myself.
She smiled at me playfully, "I'm okay Rad."
Umiwas ako ng tingin. She needs to rest, convincing myself.
Marahan akong tumango at umayos ng tayo.
"Oh, dito ka lang?"
Damn!
Dahan dahan kong binuka ang aking mga mata, nangangalawang at sira sirang yero ang sumalubong sa akin. Sumulyap ako sa aking kanan at may nakitang lampara sa tabi ko na nakapatong sa lumang kabinet, ang bahay ay gawa sa pinagtagpi tagping plywood at kawayan na nagsisilbing pundasyon. May labasan ngunit walang pinto at kita ko mula rito ang maliit na loob ng bahay.
Napangiwi ako sa sakit at naramdaman ang pagkirot ng aking kanang noo, sinubukan ko itong kapain gamit ang aking nanlalambot na kamay napahinto ako ng makapa ang benda na yari sa tela na may tuyong dahon.
Isang lumang puting damit at pulang pajama ang aking suot.
"Gising na siya!" sigaw ng isang matandang babae kaya napasulyap ako sa aking kanan.
Nakasuot ito ng daster na kulay berde na mukhang naluma na dahil sa kulay nito, nakapusod ito at nakangiti ng tignan ako at parang maiiyak.
Kumunot ang noo ko upang alalahanin kung sino ito. Sumulyap ito sa likuran niya at may nakita akong isang matandang lalaki na nakasuot ng lumang maong at asul na t-shirt.
Mabilis na lumapit sa akin ang dalawa at mas lalong kumunot ang noo ko ng hindi ko kilala ang mga ito.
"Mabuti naman at nagising kana, ano ang pakiramdam mo?" tanong ng matandang babae na punong puno ng pag-aalala sa kanyang mukha.
Nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kanya.
I don't know, I just didn't feel to answer her. Nalilito ako, dahil hindi ko sila kilala.
"Sino kayo?" kunot noong tanong ko.
I didn't want to sound rude, but it turns out that way. Nagkatinginan ang mga ito at sumulyap muli sa akin.
"Nakita ka ng asawa ko sa baybaying dagat, walang malay at may sugat sa ulo," sagot naman ng matandang lalaki.
Napaawang ang labi ko, at nahiya sa tono ng pagtanong ko. Sinikap kong makaupo sa kama na gawa sa kahoy, inalalayan ako ng mga ito kaya hindi ako nahirapan.
Kumunot ang noo ko sa kanila, hinihintay ang sasabihin ko.
"Bakit ako nasa baybayin?" naguguluhang tanong ko.
Kumunot ang mga noo ng mga ito at mukhang naguguluhan din. Sabay silang umiling sa akin.
"Ano ang pangalan mo? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo, isang buwan ka ng natutulog, marahil daw ay dahil sa sugat mo sa ulo," napaawang ang labi ko sa sinabi ng matandang babae. "Pasensiya kana Hijo, tanging ang manggagamot sa bayan lamang ang tumingin sa 'yo. Kaya masaya ako at nagising ka na!"
BINABASA MO ANG
Crashed On You
RomanceFrisson Series II - Rad Love conquers all. ( Minors not allowed) 02-15-2021