Kabanata 12

1.1K 52 2
                                    

If he truly loves me, he can wait.

But if this plan went wrong, at least I will not regret anything. Bago pa lumalim ang pagsasama, kailangan ko ng putulin.

I already decided to cut my connections to Rad. Our love story was forbidden. I need to consider it that way, ayokong umasa.

Ayokong madamay pa siya, iyon ang dahilan kung bakit hindi ako pinatulog buong gabi. I need to give him up, for his safety. Saka na, kapag okay na lahat. Maybe we can start all over again?

Pero bakit iniisip ko palang ay nahihirapan na ako?

From Rad :

Goodmorning, Señorita.

Napapikit ako sa unang mensahe niya sa akin ngayong araw. Do I need to change my number?

Kailangan ko bang sabihin sa kanya na ayoko na? Napailing ako, hindi. I can't do it! Mas mahihirapan ako kung makikita ko siya, kaya mas maigi kung iiwas nalang ako.

Tama! Wala siyang magagawa, hindi niya ako kontrolado. I should not let him control my system, this time I needed to do this seriously.

" This time, I will not let you go anywhere you want. Aalis ka lang kapag gusto ko, o kapag si Esteban ang kasama mo. " Saad ni Mama habang sinusuklayan ako ni Katya, habang nakapangalumbaba lamang ako sa harapan ng salamin.

I am expecting this to happened, but earlier than I expected.

" Ayusin mo siya Katya, may hinandang dinner date para sa kanila si Don Herman." Dagdag pa nito.

" Opo, Donya Angelita." Sagot ni Katya na yumuko pa kay Mama bago nito isara ang pinto.

Tinext ko si Thalia, Angeline at Kat sa dinner date na sinasabi ni Mama. I am hoping na magpakita sila doon.

" Nandito na lahat ng pera na kailangan para sa mask na ipinagawa ko." Kinuha ko ang isang maliit na envelope sa aking bulsa.

" Sasabay ba ako sa pag alis sa inyo?" Bulong na tanong nito na sumulyap pa sa amba ng pinto.

" Hindi tayo maririnig Katya ano ba!" Natatawang suway ko. " Oo, magandang dahilan na may ibibili ka sa palengke. Hahanapin ka ni Mama, kung nandito ako at wala ka." Tumango tango ito.

" Wag mong hayaan na makita iyon nino man, kailangan maging sikreto." Tumango ito ng mabilis.

Alas singco na noong natapos akong nagbihis, sinulyapan ko ang aking cellphone at wala na itong nasundan pang mensahe.

Napahinto ako sa paghakbang palabas ng mansyon ng mapansin ko si Rad na nakasuot ng uniporme. Kumabog bigla ang dibdib ko sa gulat, oo nga pala siya nga pala ang driver ko.

Umiwas ako ng tingin at kinakabahang humakbang.

" Abella..." tawag ni Mama bago pa ako tuluyang bumaba ng mansyon.

Huminto ako sa paghakbang at napahinto ang tingin ko muli kay Rad na seryosong nakatingin sa akin. Malalim ang iniisip nito kaya napakunot ang noo ko. Lumunok ako upang ibsan ang nanunuyong lalamunan.

" Wag mo akong bibigyan ng sakit ng ulo! Behave like a fine lady, Esteban will be there any minute."  Nagbuntong hininga ako sa sinabi ni Mama at hindi inalis ang tingin kay Rad na sinusukat ang emosyon ko.

" Yes, Mama!" Sagot ko kay Mama at walang emosyong pumasok sa kotse.

Tumikhim ito pagpasok sa driver seat kaya umiwas ako ng tingin. Pinipigilan ko ang sarili ko na magsalita. Maaaring ngayon alam na niya na nandito na si Esteban.

I felt him glancing at me, kaya ang buong tingin ko ay nasa labas lamang. Ayoko siyang tignan.

Maaaring ngayon ay nakaalis na rin si Katya, tama kailangan kong magisip ng ibang bagay para mawala siya sa isipan ko. Buong biyahe ay nakatingin lamang ako sa labas, panaka naka ay nilalaro ang mga daliri.

Crashed On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon