Sa ekspresyon ni Katya alam kong kinakabahan ito. I know something bad will happened.
" Ako na bahala maghatid." Singit ni Rad sa aming usapan na mabilis namang umiling si Katya.
" Hindi pwede, hindi ka dapat makita ni Donya Angelita na kasama si Senyorita Bella." Kumabog ang dibdib ko sa kaba.
Ngayon ko lang napagtanto na seryoso ang sitwasyon namin. Sumulyap si Katya sa akin.
" Kung hindi, baka mawalan ka ng trabaho. Baka ngayon ay hinahanap na ni Perla si Senyora, at mas mabuti ng ako ang kasama niya. Makakaisip pa kami ng palusot. Hindi na rin pwedeng dumaan ang kabayo, dahil sobrang lambot na ng lupa, ang akala ko ay hindi kami makakaabot ni Alyas." Iiling iling itong saad niya.
Tumango ako ng marahan at tumingin kay Rad, he was so furious while clenching his jaw.
" I need to go..." napapaos kong saad.
" Ihahatid na kita." Kunot noong saad nito at umiling ako ng mabilis.
Tama si Katya mas delikado kapag nahuli kami na magkasama. Sigurado ako na magiimbestiga si Mama and that will not going to happened. Ayokong malaman ni Mama na pasekreto akong lumalabas upang maligo sa talon, at kasama siya.
Sigurado ako na tatanggalin niya sa trabaho niya si Rad, at ayokong mapalayo siya sa akin. Ngayon pa na mas napapamahal na ako sa kanya.
Nagbuntong hininga ito bilang pagsuko.
" Text me, at least I know you went home safe." Saad nito.
" Kailangan na naming magmadali Rad, baka dumating na sina Donya Angelita."
Kumaway ako sa kanya, at hindi pa nakakalayo ay nakaramdam na kaagad ako ng pangungulila sa kanya.
Malakas pa din ang ulan, naglakad kami ni Katya sa maputik na daan. Sumulyap ako muli sa munting kubo, seryoso pa din itong nakatingin sa akin. May kumirot sa dibdib ko dahil iniwan ko siya doon.
" Kinse minutos pa bago tayo makarating doon, sana ay wala pa sila." Saad ni Katya habang bumibilis ang lakad namin dahil sa pagmamadali, nababasa na din ako at ang bestida na suot ko.
" Bakit ba kasi biglaan ang uwi nila?" Anas ko at mas lalo pang nainis dahil sa mga putik na naiiwan sa aking sandals.
" Hindi ko din alam, saka na tayo magisip ng dahilan kung bakit ka nasa labas. Kailangan na natin magmadali."
Pagkatapos ng kinse minutos na paglalakad sa maputik na daan ay nakarating na rin kami sa mansyon, tumitila na ang ulan ngunit maya maya ay lalakas nanaman. Sa likod ng mansyon kami dumaan ni Katya, dahil basang basa kami pareho ng ulan.
" Katya! Bakit ngayon ka lang?" Tanong ng Mama ni Katya ng makita kami nito. Napaawang ang labi ko sa mga kasambahay na aligaga sa pagluluto.
Nagkatitigan kami nito at bago pa kami sumagot ay nakita namin si Mama na pumasok ng kusina. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. She was still wearing a formal attire.
" Ma!" Hindi mapigilang saad ko.
Takang taka itong tumingin sa akin. She looked at me from head to toe. Napukaw ko tuloy ang atensiyon ng bawat isa, kaya kami dito dumaan kasi alam naming nagpapahinga sila. Wrong timing nga naman.
" Where did you go, Bella?!" Napangiwi ako sa sigaw nito, at alam ko na galit na siya.
" Katya?!" Tawag ni Mama na mapansin na hindi ako sumagot. Sumulyap ako sa mama ni Katya na yumuko at kinakabahan.
" Pumunta ako sa dalampasigan Mama, pero naabutan ako ng ulan. Kaya sumilong ako sa isang puno." Sagot ko, na isang palusot na naisip namin kanina lang bago kami tuluyang pumasok sa mansyon.
BINABASA MO ANG
Crashed On You
RomanceFrisson Series II - Rad Love conquers all. ( Minors not allowed) 02-15-2021