Kabanata 24

1.2K 54 8
                                    


" Senyora Abella!"

Napakislot ako dahil sa matinis na sigaw na boses ni Perla na mukhang nawawalan na ng pasensya.

" Natulog kang hindi man lang nagpapalit ng damit!" Dugtong nito sa pasigaw na boses.

Nagbuntong hininga ako at napasapo ako sa aking ulo, dahil sa biglaang paggising ay ramdam ko ang pagkahilo at namamagang mga mata. Marahan ko itong idinilat at nakita si Perla na umagang umaga ay nakakunot ang noo, habang katabi nito si Diane na nakayuko.

Hinilamos ko ang aking mukha gamit ang kanang kamay at sinulyapan ang damit ko na hindi ko man lang nagawang nakapagpalit kagabe. Siguro, dahil napagod ako sa pag-iyak kagabi ay nakatulog nalamang ako.

Bigla nanaman sumagi sa isipan ko si Rad.

Nagbuntong hininga ako at dahan dahan na umupo sa kama ko. Akmang aalalayan ako ni Diane ng itinaas ko ang kanang kamay ko.

" I can manage." Pagpipigil ko sa kanya.

Humikab ako at naramdaman ko ang sakit ng aking katawan, at hapdi ng aking mga mata.

" Maliligo lang ako." Paalam ko at marahang bumaba sa kama ko.

I heard Perla hissed because of irritation, pero wala akong ganang makipagtalo sa kanya ngayon. Pagkatapos kong naligo ay kumain na rin ako ng umagahan.

" Wala ba akong lakad ngayon?" Tanong ko kay Diane noong inalis na ang trolley ng pagkain.

" Wa-Wala pong nabanggit si-si Donya Angelita."

Tumango ako at isinandal ang aking ulo sa malaking sofa. Kung ganoon ay magdamag akong makukulong sa apat na sulok ng silid na ito.

Napahinto ako ng maalala muli ang pagkikita namin ni Rad kagabi. Naramdaman ko bigla ang pagkirot ng aking dibdib. Sa bawat pagiwas niya sa akin ay parang pinupunit ang puso ko.

Pilit ko itong inaalis sa aking isipan, pero hindi ko maiwasan na isipin siya. Nanikip bigla ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ang ginawa ko sa buong araw.

I-text ko kaya siya?

Napailing ako, wala sa akin ang phone ko.

Nagtext kaya siya sa akin?

Napailing muli ako, bakit naman siya magtetext.

O baka tumawag siya sa akin? Baka kaya niya ako iniiwasan dahil hindi ako sumasagot sa tawag niya? Hay! Ano ba! Naguguluhan na ako! Bakit ko ba iyon iniisip?

Pero, wala na ba talaga?

Ang sabi nila, maaaring makalimutan ng isip pero hindi ng puso. Kaya ba naging malapit kami dahil nakikita niya sa akin si Ella?

Nagbuntong hininga muli ako. Sa iniisip ko mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko.

Maging sa pagkain ko ng hapunan ay hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Buong magdamag akong walang ginawa ngayon kundi ang magmukmok. Okay na siguro ito, para makapag isip isip ako.

Iyon na kaya ang huli naming pagkikita?

.

" Maghanda ka mamayang alas singco, si Senyor Esteban ay naghanda ng date para sa inyong dalawa." Napaubo ako habang kumakain ng almusal at tumingin kay Perla habang nakakunot ang noo.

Date?

" Are you kidding me?" I asked sarcastically. " I'd rather stay here the whole day, kesa makasama ko siya!"

" Inaasahan ka niya mamaya, kaya maghanda ka." Giit nito at tumalikod na.

Nagbuntong hininga ako. Nababaliw na ba siya!

Crashed On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon