Kabanata 23

1.2K 52 5
                                    

" Rad..." I muttered.

I bit my lower lip, when I felt like someone was stabbing my heart that I couldn't breath. Begging him to glance at me again, baka hindi niya lang ako nakita.

Please, Rad.

Kumunot ang noo ko, o baka nagkakamali lang  talaga ako. Pero, siya itong nasa aking harapan. Kilalang kilala ko siya.

" Bella, let's have a seat." Muling tawag sa akin ni Esteban na may pagbabanta na sa kanyang salita.

Tumango ako sa kanya habang ang tingin ko ay na kay Rad pa din na seryosong nakikipagusap sa mga ito. Umigting ang panga nito at muling uminom sa kanyang wine.

Bumigat ang paghinga ko, at halos hindi ako makahinga sa kabog ng dibdib ko.

" Bella!" Esteban warned again and I felt the warmth of his hand on my wrist.

Humarap ako sa kanya at tipid na ngumiti.

" Pa-Pasensya na." Halos hindi ko mabigkas na mga salita ng dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Mabibigat ang hininga kong naglakad patungo sa lamesa ng mga pinsan nito.

" It's nice to see you again." Bati ni Sandro sa akin na nakaputing suit katulad ni Baste.

" I'm sorry for what this asshole did!" Tawa naman ni Baste at napailing.

Tanging tipid na ngiti lamang ang sinagot ko sa kanilang dalawa. Pagupo ko sa isang upuan ay mabilis kong inilibot ang aking mga mata sa maraming tao upang hanapin muli ito kung saan ko siya huling nakita.

Nabigo ako dahil wala na ito roon, at naiwan nalamang ang kausap nito kanina. Hindi ako mapakali, pilit hinanap ng mga mata ko si Rad. Gustong kumpirmahin na siya nga ito. Ang daming tanong ang naglalaro sa aking isipan, ang kagustuhan ko na makausap siya ay mas lalong umusbong. Anong ginagawa niya dito?

Mabuti nalang at kinausap nila Sandro at Baste si Esteban at hindi nito napapansin ang pagkabalisa ko. Kinakabahan ako at baka mapansin din nito si Rad.

" This day was the success of our Valencia Hotel, as a thanksgiving for our 9th anniversary. I am grateful to celebrate it with all of you!" Panimula ng isang matanda na may hawak na mic. Nakasuot ito nang suit na kulay pula.

Ngumiti ito at tumingin sa table nila Don Herman na kasama ang iilang mga investors at bigating negosyante. Wala ang mga anak nito, at marahil ay busy sa mga negosyo.

" I would like to acknowledge the presence of our honorable governor, who personally came here in our important event." Dagdag pa nito na napuno ng palakpakan.

Tumayo si Don Herman at kumaway sa mga tao.

Pagkatapos noon ay may iilan pa siyang mga sinabing important guess na dumalo sa event. Nagkaroon pa ito ng awarding sa mga outstanding manager nito.

Muli kong inilibot ang aking paningin sa mga nakaupong guest sa kanilang mga kanya kanyang table at muling hinanap ng mga mata ko si Rad. Nagbuntong hininga ako ng muli akong nabigo dahil hindi ko ito nakita.

" Wash room lang ako." Paalam ko kay Esteban at marahang tumayo sa aking upuan, habang nasa awarding pa ang mga ito.

Itinuro sa akin ng isang waiter ang daan patungo sa wash room ng venue dahil sobrang lawak nito. Napahinto ako sa paglalakad ng malapit na ako sa wash room ng makita si Rad na lumabas sa comfort room nila.

Napahinto ito ng makita ako at napaawang ang aking mga labi sa sobrang pagkagulat. Hindi nga ako nagkakamali at siya ang nakita ko kanina. Tumubo na ang kanyang balbas na nagpabago ng mukha nito. Napalunok ako sa kaba ng akmang magsasalita ako upang tanungin siya ng maglakad muli ito.

Crashed On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon