Kabanata 8

1.2K 42 1
                                    

Itinuro ko sa kanya ang daan patungo sa isang hindi kilalang shop ng pagawaan ng mask. Sa kabilang bayan ito, ngunit malapit naman sa Valencia. Naiilang akong tumingin sa kanya. Noong huminto ang sasakyan ay mabilis akong lumabas ng kotse.

May sumalubong sa aking matandang lalaki na nakareading glass.

" Ano ang iyo Hija?" Manghang tanong ng matanda. Ngumiti ako sa kanya at tuluyan ng pumasok sa loob ng shop ng marinig ang pagsara ni Rad sa pinto ng kotse.

Gaya ng inaasahan ko, walang gaanong tao dito. Kung mayroon man ay walang pupuntang taga Valencia dito. It was a cheap place.

" May gusto po sana akong ipagawa na mask, Lolo." Saad ko. Ngumiti ang matandang lalaki sa akin.

" Aba't ngayon lang yata may muling dumalaw mula sa Valencia." Anito na sinulyapan ang kasuotan ko. Napansin ko ang patpatin na lalaki na seryosong dinedeseniyo ang isang basket.

Tumuloy si Rad sa loob ng shop at nalilitong tumingin sa akin.

" Halika sumunod ka sa akin sa loob." Saad ng matanda.

Naramdaman ko ang kamay ni Rad sa siko ko.

" What are we doing here?" Nalilitong tanong nito.

" Mabilis lang 'to Rad."

Madalas itong ikwento sa akin ni Katya, kaya alam ko ang lugar na ito at noon naman ay palagi akong naglalakwatsa.

" Then I will come with you." Bulong nito. Hindi na ako kumontra sa gusto niya at hinayaan nalang siya na sumunod sa akin.

Pumasok ako sa loob at sumunod si Rad sa akin. Maliit ang silid at medyo makalat ng dahil sa mga gamit pagpinta.

" Pasensya kana Hija hindi pa ako nakapaglinis sa loob." Saad ng matanda at inalis ang mga iilang gamit sa malaking mesa. Sumulyap ito sa likuran ko. " Ano nga ulit iyong kailangan mo?" Tanong muli ng matanda.

Umupo ako sa upuan na kaharap nito. " Kaya niyo po bang gayahin ito?" Tanong ko sa matanda na ipinakita ang kuha ko sa cellphone.

Inayos nito ang kanyang salamin. " Mukhang mamahalin ang materyales na ginamit dito."

" Sabihin niyo lang po kung magkano, magbabayad po ako." Saad ko. Tumikhim ang matanda at tumango.

" Sige, kaya naman gayahin ang nasa letrato Hija. Sisikapin kong makahanap ng katulad ng materyales nito." Nakahinga ako ng maluwag at ngumiti.

" Wala pong problema kahit hindi kamukha ng materyales, basta po kamukha nito. Kayo na pong bahala sa finishing." Maligayang saad ko.

Bahagyang natawa ang matanda at tumango. " Ah, oo nga po pala. Maaari po ba akong magpagawa pa ng isa pa?" Kinuha ko ang sketch ng gown sa aking pouch at inilahad sa matanda. " Iyong nababagay po dito."

Tumango tango ang matanda. " Sige Hija, walang problema. Kailan mo ito kukunin?"

" Iyong mas maaga po sana sa isang buwan kung maaari." Ngumiti ang matanda at tumango.

Nagbayad na ako ng kalahati sa dalawang mask na ipinagawa ko, at ibinigay ko ang kopya ng letrato sa cellphone ko. Si Katya na ang bahalang kukuha noon.

" Para saan iyon?" Takang tanong ni Rad sa akin paglabas namin ng shop.

Ngiti lamang ang tanging sinagot ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse. Gaya ng sabi ko, ako lamang dapat ang nakakaalam, at ayoko ng may iba pang madamay.

" Wala, I just wanna support our locals." Saad ko na mukhang hindi kumbinsido.

Ngumiti lamang ako sa kanyang nagtatanong na mga mata. Bago magtanghalian ay tapos na ako.

Crashed On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon