As an usual morning, ako nanaman mag-isang kumakain sa hapag kahit pa nakauwi na sila. Hindi na bago sa akin ito.
" Mamayang alas nuebe ay may schedule ka sa shop ni Cindy, at sa hapon naman ay may appointment ka sa isang Thai salon para sa body massage." Saad ni Perla.
Nandito na si Mama pero madami pa rin itong schedule na inilalaan na gagawin ko.
" Cindy? Hindi ba nanggaling na siya dito kahapon?" Tanong ko habang nginunguya ang isang mansanas.
" May pagbabagong ginawa si Don Herman ginawa niyang masquerade party ang tema ng pagtitipon para sa inyo, bilang paggunita nito sa debut ng kanyang kaisa isang babaeng apo na kasabay ding uuwi ni Senyor Esteban." Napahinto ako sa pagkain at tumingin kay Perla upang makasiguro sa sinabi nito.
" Masquerade party? What do you mean magaattend ako doon?" Nakakunot noong tanong ko. " Akala ko ba ay isang pagtitipon para sa paguwi ng buong pamilya nila galing Espanya?"
" Oo, gaya ng sabi ko ang masquerade party ay para sa mga Señor at Señorita dito sa buong Valencia." Ibinaba ni Perla ang hawak nitong schedule at ibinigay ang buong atensyon sa akin. " Ang ibig sabihin noon, kabilang ka sa mga aattend. Lalo na at isa ka sa mga nakapangako sa isa sa kanyang mga apo."
Tuluyan ko ng ibinaba ang mansanas na kinakain ko. " At ang pagtitipon para sa buong Valencia ay wala pang pinal na anunsiyo." Dagdag pa nito.
Nagbuntong hininga ako at tumango tango.
" Okay." Tipid na sagot ko.
Naghanda na ako para sa pagpunta sa shop nila Cindy, isa itong kilalang fashion designer sa buong bayan. Malayo pa ang party, ngunit panigurado halos lahat ng tao ng Valencia ay sakanya magpapagawa ng gown.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Rad na nakatayo sa tapat ng kotse, nakauwi na sina Mama kaya nandito na din si Efren. Kumunot ang noo ko ng naka uniporme pa ito.
" Si Rad ang inappoint ng Papa mo bilang personal driver mo Senyora."
Marahan akong tumango at hindi inalis ang tingin kay Rad ng marahan ito ngumisi bago binuksan ang pintuan ng kotse. Pagupo ko ay naalala ko iyong sinabi niya sa akin kagabi.
"See you tomorrow, Senyora Abella."
Pinisil ko ang kamay ko upang pigilan ang sarili ko. Tahimik ako ng pumasok na ito, inilipat ko ang tingin ko sa labas ng bintana at hindi siya kayang tignan. Buong biyahe akong tahimik at hindi nagtangkang magsalita. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ako may numero sa kanya ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
Noong pumasok ako sa shop ni Cindy ay nagulat ako ng pati siya ay sumama sa loob.
" Senyora Abella, I'm so sorry. They just informed me early this morning." Ani Cindy na sinalubong ako ng yakap. Si Cindy ay isang transgender, mahaba ang buhok nito at maganda din ang pangangatawan mukha na talaga siyang isang ganap na babae.
Ngumiti ako sa kanya na ngayon ay ang mga mata ay nasa likuran ko.
" Sino siya?" Tanong nito sa akin na kinagat pa ang ibabang labi nito.
" Si Rad, driver ko." Sagot ko at tipid na ngumiti at pumasok ng tuluyan sa malaking shop nito.
It was full of extravagant and expensive ball gowns that very popular nowadays. She never disappoint her client in her masterpiece tough.
" Kailangan ko din ng driver, baka naman pwedeng akin nalang siya." Bulong nito sa akin na sumunod sa pagpasok ko.
I chuckled on her craziness and glanced at Rad who was checking on the different gowns.
BINABASA MO ANG
Crashed On You
RomanceFrisson Series II - Rad Love conquers all. ( Minors not allowed) 02-15-2021