Kabanata 29

1.6K 60 12
                                    


Nawala bigla ang ngiti ko ng kunot noo itong tumingin sa akin at bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya ng mapansin na kami lamang dalawa sa loob ng condo niya. Sumalubong ang katahimikan sa aming dalawa. Tumikhim ito at marahan na inalis ang kamay nitong nakahawak sa akin.

" Si-Si Alyas?" Kabadong tanong ko na tumingin sa kanya.

Kumunot ang noo nito at dumilim ang mukha. " He can stay on the other room. A-Are you hungry?" Tanong nito na hindi ako tinatapunan ng tingin.

Napalunok ako at umiwas din ng tingin sa kanya. Sobrang dilim sa loob ng condo niya, at tanging ang maliit na ilaw lamang sa kinatatayuan namin ang tanging liwanag. Alam ko hindi ko dapat maramdaman ito, ngunit nag-iinit ang aking pisngi at tanging ang kabog ng dibdib ko ang aking naririnig. Naiinis tuloy ako, baka marinig nito ang kabog ng dibdib ko.

" Yeah," tipid na sagot ko hindi ako nagugutom dahil nakakain ako kanina. Ayoko lang na magtanong pa ito.

Marahan itong tumango. " My chef wasn't here, I will look for some food at the fridge." Mababang wika nito.

Tumango ako ng mabilis.

" Turn on the lights." Wika nito at nagulat ako ng sabay sabay na sumindi ang ilaw sa loob ng condo nito.

Napaawang ang labi ko sa sobrang ganda at laki ng condo niya. Tumingin ako sa kanya na nag-lakad papasok, kaya sumunod ako sa kanya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at pumasok sa loob. Ang gamit nito ay gawa sa mga mamahaling materyales, at ang diseniyo ay sobrang moderno.

Napahinto ito sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya, sumulyap ito sa akin. Kunot noo nitong pinasadahan ng tingin ang suot ko, naramdaman ko ang pag-iinit lalo ng pisngi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Ilang hakbang mula sa pinto, sa kanan ko ay bumungad sa akin ang malawak na sala nito, may sofa at center table at tapat nito ang malaking flat screen tv. Halos magkatapat lang ang kusina na nasa kaliwa ko naman, kaya nakikita ko siya mula dito, kung saan ako nakatayo ilan hakbang mula dito ay may itim na pintuan na sa tingin ko ay kwarto. Sa kabilang dulo naman ng kinatatayuan ko ay may hagdan patungo sa taas na tapat ng kusina na gawa sa bakal patungo sa isang game room na kita ko mula dito dahil tanging mga bakal lamang ang harang nito.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya na kunot ang noong nakaharap sa kalan habang may suot na kulay asul na apron. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil nag-mukha itong maliit sa kanya, and I find him cute.

Mahaba ang mala lamesa na gawa sa semento at may tatlong high chair kung saan ka pwedeng umupo.

Marahan akong nag-lakad patungo sa kanya, tumalikod ito at may kinuha sa malaking ref sa likod niya. Napahinto ako sa pag-lapit sa kanya ng sumulyap ito sa akin bago tumingin sa kawali.

Tumikhim ito, at nagulat ako ng nilagay nito ang iilang itlog sa kawali. Kunot noo akong tumingin sa kanya habang seryosong nakatingin sa kanyang ginagawa, at ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa kanyang bewang.

" Uh, are you trying to boil it?" Agap na tanong ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay hindi nito alam ang kanyang ginagawa.

" No, I am frying it." Mababang sagot niya, napaubo ako at iniiwasan na tumawa kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

Napakagat ako sa ibabang labi ng marinig ang munting mura niya. Sumulyap muli ako sa kanya na kunot na kunot ang noong nakatingin sa kanyang ginagawa.

Binaba ko ang tingin ko sa limang itlog na nasa kawali na hindi pa natatanggal sa shell nito.

Pinipigilan kong tumawa dahil napakaseryoso nito. Don't tell me, he doesn't know how to fry an egg? Napakagat ako sa aking ibabang labi. Now, I understand why he have a chef.

Crashed On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon