Sobrang himbing ng pagkakatulog ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagod ngunit napasarap ang tulog ko lalo na at sobrang lambot ng kama.
Napangiti pa ako ng maamoy ang mabango at malambot na unan. Napakunot ang noo ko ng hindi ito pamilyar na amoy ng aking kwarto.
Napabalikwas ako sa paghiga at napasapo sa aking noo ng maramdaman ang biglaang paghilo. Huminto ako ng ilang segundo upang ikondisyon ang sarili. Humikab pa ako bago inilibot ang paningin sa hindi pamilyar na silid, tanging kama at maliit na cabinet sa aking kaliwa kung saan nakapatong ang lamp shade ang tanging gamit sa loob ng silid.
Hindi ito ganoong kalaki pero moderno ang diseniyo nito. Puti at abo ang tema ng kulay nito maging ang simpleng kurtina. Nakatulog pala ako papunta sa hotel, ngunit bakit hindi nila ako ginising? Hindi ko man lang naramdaman na binuhat nila ako patungo sa silid na ito. Hindi ko akalain na simple lamang pala ang diseniyo ng mamahaling hotel na ito.
Muli kong inikot ang paningin ko, at nanlaki ang mga mata ng makita ang orasan na nakasabit sa dingding.
Alas tres y media na!
Napabalikwas ako sa pagtayo at biglaang pagkabog ng dibdib. Ito ang oras ng kasal namin. Naramdaman kong kumulo ang tyan ko dahil sa gutom dahil kanina pa akong umaga kumain.
My gosh! Why didn't they wake me up. Tinignan ko ang aking suot at ito pa rin ang suot ko kanina. Marahan kong binuksan ang pinto at napakunot ang noo ko ng sumalubong sa akin ang tahimik na sala. Kumunot ang noo ko, alam kong hindi pa ako nakakapunta sa hotel na iyon ngunit pakiramdam ko ay nasa ibang lugar ako.
Tumingin ako sa paligid at wala ni isang tao akong nakita. Tanging susi lamang ng sasakyan, upos ng sigarilyo ang nasa lamesa at ang walang lamang baso ng tubig, ibig sabihin ay meron akong kasama ngayon dito. Kumabog bigla ang dibdib ko sa kaba sa hindi malaman na dahilan.
Isa itong bungalow type of house, gawa sa rattan ang mga upuan at center table nito. Rinig ko mula dito ang hampas ng alon ng dagat. Hindi ito ang hotel na tinutukoy nila. Nasa bayan iyon at malayo sa dagat.
Ang huling natatandaan ko ay sumakay ako sa limousine ng mga Hernandez upang tumungo sa hotel kung saan kami aayusan. Naningkit ang mga mata kong inilibot ang paningin sa buong sala at huminto sa nakabukas na pintuan at kita ko mula dito ang paghampas ng alon sa dalampasigan.
Hindi ko alam kung nasaan ako. Napangiwi ako ng maramdaman ang muling pagkalam ng aking sikmura, nagugutom na ako. Humikab muli ako dahil pakiramdam ko ay dinadalaw muli ako ng antok.
Nagulat ako ng may narinig na ingay na nanggagaling sa isang parte ng bahay na hindi kalayuan sa kwartong pinanggalingan ko, marahil ito ay ang kusina.
" Malapit na silang tumungo sa simbahan." Narinig kong salita ng isang boses ng lalaki ngunit hindi ko masyadong nahimigan dahil mahina ito.
Huminga ako ng malalim at dahan dahan na naglakad patungo sa kanila. Kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba, pinipilit kong wag makagawa ng ingay. Lalo na at hindi ko alam kung bakit ako ngayon nandito at sino ang nagdala sa akin sa lugar na ito.
" Sigurado ka bang okay lang si Ella?" Napahinto ako sa paghakbang ng marinig ang pamilyar na boses ni Katya.
Kumunot ang noo ko. Hindi ako pwedeng magkamali, si Katya iyon, anong ginagawa niya dito?
" Hindi mo kailangang magalala. The church was secured and it was under their control. All we have to do is wait." boses naman ito ni Alyas.
Bakit sila magkasama? Naguguluhan ako kung bakit sila nandito? Sila ba ang dahilan kung bakit ako ngayon nandito?
Hindi ko maintindihan kung ano pinaguusapan nila. Muli akong humakbang palapit sa kanila.
" Hindi niyo maintindihan! Mahina si Ella sa ganitong sitwasyon, baka mapano iyon. Ano ba kasing pumasok sa ulo noon at naisipan niya ang ganito! Kapag nalaman 'to ni Bella, hindi ko na alam!" Nagaalang wika ni Katya, kumunot ang noo ko at marahan na naglakad upang mas lalong lumapit kung nasaan sila.

BINABASA MO ANG
Crashed On You
RomansaFrisson Series II - Rad Love conquers all. ( Minors not allowed) 02-15-2021