Matagal kaming natahimik paglayo noong lalaki. Nakaupo lamang kami sa buhangin habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
I want to ask, why is he doing this?
He is being so kind.
"Ganoon ba talaga kayo?" tanong nito pagbabasag sa katahimikan. Sumulyap ako sa kanya na malayo ang tingin sa harapan namin.
He clenched his jaw and Adam's apple moved. He has a perfect jawline that fits perfectly on him, he looks so manly. He has hard features. He looks arrogant and always furious because of his deep set of eyes.
"Anong ibig mong sabihin?" paos na boses na tanong ko, habang namamangha pa rin sa kanya.
Napaawang ang labi ko nang bigla itong humarap sa akin. Nagulat ako at bigla akong napayuko.
"You met your friends, but why don't you seem happy?"
Napakagat ako sa aking ibabang labi.
"Is it obvious?" Napahinto ako sa tanong ko at napangisi na lang. "True friends never exist in Valencia, Rad. You belong if you meet their expectations like; fame, money and power." I stopped and looked at him and brows furrowed with confusion.
Alam ko hindi niya maintindihan iyon. Ibang-iba ang katayuan namin sa buhay kumpara sa kanila, pero tunay ang kaligayahan na natatamasa nila.
Tumayo ako sa buhangin at tumaas ang tingin nito sa akin. Nakangiti akong tumingin sa kanya.
Tulad ko, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko.
Do I need to sacrifice my life just for the safety of my family? Do I need to do this?
"Kaya ka ba bumaba dahil sasamahan mo akong lumangoy?" nagagalak na tanong ko.
Hindi ito ang tamang oras para kaawaan ang sarili ko. Masyadong maganda ang tanawin upang magmukmok at isipin ang mga bagay-bagay.
"You can swim, while I am waiting--"
"Oh! Please, Rad. Hindi ko alam baka huli na ang pagpunta ko rito. We should at least enjoy every seconds of it." Tawa ko habang hinihila ang kamay nito upang tumayo.
Sinimangutan ko siya nang tumayo lamang siya sa dagat at hinayaan na akong lumangoy. Nakahalukipkip ito habang tahimik na nakatayo.
"Sana maulit pa 'to..." sabi ko bago ako pagbuksan ng kasambahay ng pinto ng kotse. "Salamat, Rad."
Hindi ko mapagkakaila ang ligaya na nararamdaman ko.
Sa bawat kasama ko siya pakiramdam ko malaya kong nagagawa ang mga bagay na gusto ko. Walang limitasyon, walang matang nakabantay.
It's just me, my real me.
I was waiting to Perla to tell me what to do while I was eating my breakfast. My heart was full of excitement when she walked towards me. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganitong excitement sa paglabas ko. Hindi ko na mapigilan na may pagkakataon na naman akong makagala na hindi nila nalalaman.
Hindi ko alam kung bakit buong-buo ang tiwala ni Perla kay Rad. Wala silang iniisip na puwede niya akong ipasyal o dalhin sa lugar kung saan ko gusto. Kung puwede lang akong tumakas, hindi na ako mahihirapan pa.
Kinuyom ko ang mga palad ko, isa lang ang siguradong paraan para ako makawala rito. Iyon ay kung babalik si Rafaella. Pero kahit na anong hanap ko, hindi ko pa rin siya makita. Walang ni isang nakakaalam kung nasaan siya, even dad hired a private investigator to find her. Nakalimutan ko, matalino nga pala ang kakambal ko at alam niyang hahanapin siya ng magulang namin.
BINABASA MO ANG
Crashed On You
RomanceFrisson Series II - Rad Love conquers all. ( Minors not allowed) 02-15-2021