" Saan tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
" I book a villa in Batangas." Nabigla ako sa sagot nito dahilan ng mas lalong pagkunot ng noo ko at sumulyap sa kanya.
" Rad, gabi na." Hindi ako makapaniwalang sumulyap sa kanya. " At-At wala akong dalang damit." Giit ko.
" I have my pair of clothes on my car, we can go back early in the morning."
I rolled my eyes on him while shaking my head, sinabi niya yun na parang pupunta lang kami sa kanto.
Halos dalawang oras din ang biyahe patungong Batangas, siguro ay alas nuebe na kami makakarating.
Ngumuso ako at sumulyap sa kanya.
" Can we eat first?" Tinapunan nito ako ng tingin. " Drive thru nalang please?" Ngiti ko sa kanya ng may nakita akong papalapit na fastfood.
Pagkatapos kong kumain ay nakatulog na yata ako buong oras ng biyahe. The opm song on the stereo made me sleepy. Nagising nalamang ako ng huminto ito sa isang malaking resort at puno ng villa.
Sumulyap ako sa orasan sa dashboard at isa at kalahating oras ay narito na kami. Siguro ay dahil gabi na at hindi traffic kaya napaaga ang dating namin.
Sumulyap ako sa kanya na mukhang kanina pa hinihintay ang paggising ko.
" We're here." Tipid na wika nito at kinalas ang seatbelt nito at ganoon din ang akin.
Ang mga villas dito ay gawa sa matibay na rattan ngunit kahit na ganoon ay ang diseniyo nito ay moderno. Kita mula sa villa nito ang kalmadong dagat.
Gabi na kami nakarating, at tahimik na ang buong paligid. May mga iilang tao pa akong nakikita sa dalampasigan, at ang iilan ay nakapaikot sa bonfire. May sumalubong sa amin na iilang staff, ngunit noong naglakad na kami sa isang villa na wari ko ay ang tutulugan namin ay hindi na ito pinasama ni Rad.
Malaki ang villa at sakto na sa isang pamilya may balkonahe ito sa harapan, pagpasok namin ay sumalubong ang sala sa amin at may dalawang pintuan na wari ko ay mga kwarto habang nasa kabilang banda naman ang kusina. Bungalow type ito.
" When did you plan this?" Kuryosong tanong ko sa kanya ng buksan nito ang unang pintuan.
" Just this morning." Tipid na sagot nito at tuluyang pumasok sa loob.
Hindi niya ito nabanggit sa akin.
" Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Habol na tanong ko sa kanya.
" Cause I know you will insist me to go to party."
Nagbuntong hininga ako at umikot upang buksan ang bintana ng villa, mula dito ay kita ko ang maliwanag na buwan. Napapikit ako ng umihip ang malamig na hangin.
Naalala ko bigla ang Valencia, ang kwarto ko doon. Pwede pala iyon, kahit na nandito sa Manila sina Mama ay makakaramdam ka pa rin ng pangungulila sa lugar na nakasanayan mo.
Umayos ako ng tayo ng may dalawang babae na nakauniporme na may dalang pagkain ang umakyat sa balcony namin. Hindi ko na sila hinayaan pang kumatok at binuksan ko na ang pintuan.
" Delivery po para kay Mr. Montenegro." Ngiti ng isang babae na maiksi ang buhok.
Sumulyap ako sa dala nila na mga dessert at kasama pang wine.
" Uh- salamat." Saad ko at sumulyap sa pintuan na pinasukan ni Rad kanina ngunit hindi pa ito lumalabas.
Pagalis nila ay siya namang paglabas ni Rad sa kwarto. Naligo na pala ito at nakapagpalit na rin ng damit. Nakaputing t-shirt ito at sweatpants na kulay itim.
BINABASA MO ANG
Crashed On You
RomanceFrisson Series II - Rad Love conquers all. ( Minors not allowed) 02-15-2021