Boyfriend ko na siya,
Hindi ako pinatulog ng utak ko dahil sa mga nangyari sa talon.
Papano nangyare na boyfriend ko na siya? How can he decide that quick without even asking my opinion?
Why the hell I'm happy about it? Does it mean, kami na?! I'm still shock, parang hindi totoo. How can I act as a girlfriend? Geez! I'm so clueless.
" Ayos ka lang? Bat parang lumulutang yang isip mo!" Sabad ni Katya habang nakaupo pa ako sa queen size bed ko at tulala.
" Ah, wala." Pagiwas ko.
Umismid ito at umupo sa tabi ko, sabay binatukan ang ulo ko.
" What the hell was that Katya?!" Inis na tanong ko habang nakakunot ang noo nito.
" Para saan? Aba sa pagtakas mo sa akin kahapon!" Hinimas ko ang ulo ko at masamang tumingin sa kanya.
" Señorita mo ako no, Sen-yo-ri-ta!" Inis na sagot ko. Humalakhak lang ito at umiling.
" Ts! Kahapon pa dapat yan, kaso nandyan si Perla di kita mabatukan!" Anito na akmang babatukan nanaman ako ng nakatayo ako at mabilis na nakatakbo sa cr.
" Ano ba!" Natatawang saway ko at nilock ang pinto dahil sumunod ito sa akin.
" Pasalamat ka biglang dumating si Rad! Kung hindi si Perla ang susundo sayo! Nako pasaway talaga! Bilisan mo dyan at kumain kana."
Narinig ko nanaman ang pangalan niya, tinapik tapik ko ang noo ko gamit ang palad ko.
Napahinto ako sa paglakad ng maaninag ko si Mama at Papa na tahimik na nagaalmusal sa hapag. Bago ito sa akin, madalas kasi ay hindi na sila magaalmusal.
Sumulyap ako kay Perla na matamang tumingin sa akin. Dahan dahan akong umupo sa upuan.
" Perla told me that Angelina and Katarina visits you." Saad ni Mama na hindi ako tinatapunan ng tingin.
Wow! Goodmorning too, I rolled my eyes and put the table napkin on my lap.
" Yeah," tipid na sagot ko.
Tumango tango ito habang ngumingisi, naningkit ang mata kong tumingin kay Mama. I know what her thinking, iyong mga bagay na sinabi nito sa mga magulang nina Kat. Mom knows how to play card so well, and now she's winning. Ibang klase.
Hindi sila nakaayos ngayon, wala ba silang lakad? Hindi naman linggo, o kahit na linggo pa ay hindi ko naman din sila nakikita.
Pancake with blueberry and honey toppings ang almusal ko ngayon.
" Abella," napahinto ako sa pagkain ng tinawag ako ni Papa.
" Po?" Kinakabahang tanong ko dahil nasa akin ang buong atensiyon nito.
" Ang sabi ni Perla, tuwing hapon ay nakakulong kalang sa kwarto mo. Bakit hindi ka magshopping? O kaya naman ay maligo sa dagat? " Bago pa ako magsalita ay nauna na si Mama.
" Maligo sa dagat? She's maintaining her color Cristobal. At saka pa bakit parang umiitim ka?" Kumabog bigla ang dibdib ko sa tanong ni Mama.
Medyo nagiging tan nga ang balat ko, pero maputi pa naman ako. Akala ko hindi mahahalata ni Mama ang konting pagkaitim ko. Napasulyap ako kay Katya na nanlalaki ang matang tumingin sa akin.
" What's wrong with that Angelita? Abella can do what she wants on her body." Sabad ni Papa, at nakahinga ako ng maluwag.
" She is in Valencia, Cristobal. " Mom's reminded. Nagbuntong hininga nalamang si Papa habang pinagpatuloy ang pagkain niya.
BINABASA MO ANG
Crashed On You
RomanceFrisson Series II - Rad Love conquers all. ( Minors not allowed) 02-15-2021