Nagising ako sa ilang katok na nanggaling sa aking pinto. Hindi pa ako nagsalita nang bumukas na ito. Nakita ko si Katya na may dalang tray ng pagkain.
"Señorita, gising na ho at kumain na kayo dahil alam kong hindi ka nakakain kagabi," ani Katya sa akin.
Pinatay nito ang aircon at binuksan ang mahabang kurtina. I groaned when the sun touched my skin, at tinago ko ang mukha sa malambot na comforter dahil sa sinag ng araw.
"Ugh. I wanna sleep pa Katya," tamad na tamad kong pahayag. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa aking kama.
"Nagbigay ng mga gagawin mo ngayong araw si Donya Angelita, Bella." Napabalikwas ako sa aking kama at tumingin kay Katya na nakalukot ang mukha. "At hinabilin niya ito kay Perla," bulong nito na sumulyap pa sa pintuan.
I heaved a sigh and nodded my head.
"Nakaalis na ba sila?" tanong ko nang iniinom ang mainit na gatas na nakapatong sa center table.
"Oo, at isang linggo silang mawawala." Napahinto ako at nanlalaki ang matang tumingin kay Katya na nakangisi sa akin.
"Really?" I exclaimed.
"Nagtungo sila sa Davao para sa isang linggo business meeting, kaya hinabilin niya ang gagawin mo kay Perla. Pero hindi ba't mas okay iyon?"
Ngumiti ako at tumango-tango. "Sanay naman ako na lagi silang wala, kaya kapag nandito sila, pakiramdam ko lumiliit 'tong mansyon para sa aming tatlo."
"Sabi ko naman sa 'yo Bella 'di ba? 'Wag ka na lang sasagot sa Mama mo. Nakakatakot 'yon kapag nagagalit. Kinabahan ako baka gawin na naman niya iyong ginawa niya sa iyo noong hindi ka umuwi galing Cebu." Napahinto ako sa sinabi ni Katya at marahang kinagat ang vegetable sandwich.
Naalala ko pa iyon, noong galit na galit si Mama. Sa buong buhay ko doon ko palang siya nakitang nagalit nang gano'n. Pinahiya niya ako sa lahat ng tao, maging sa mga kaibigan ko. Isang buwan din ako noon na grounded sa kwarto ko at hinahatiran na lamang ng pagkain. Daig ko pa ang preso, even phone and TV kinuha niya. Awang-awa noon sa akin si Katya, pero sanay na sanay na ako kay Mama. Kahit kailan, hindi ko naramdaman na mahal niya ako, kaya hindi na ako magtataka kung nagawa niya sa akin iyon. My dad wasn't sweet and too caring but he cares, at least a bit.
Nagkibit-balikat ako at kinagat muli ang nakakasawang lasa ng sandwich, wala man lang bang bacon? Or burger?
Napatayo nang maayos si Katya nang narinig ang pagbukas ng aking pinto.
"Senyora Abella," narinig ko ang estriktong boses ni Perla. Sumulyap ako dito na umagang-umaga ay kunot na kaagad ang noo.
Nasa early forties na si Perla, dalaga pa lang daw ito ay kasambahay na siya ng pamilya ni Papa. Hanggang sa nagdesisyon na magpakasal si Papa at ginawang mayordoma sa mansyon namin. Malinis ang pagkapusod ng kanyang buhok at plantsado ang kanyang uniporme. Ito na nga yata ang trademark niya sa amin.
"Bakit ho?" Ngiti ko dito na hindi binalik ang ngiti sa akin.
"Pagkatapos mong kumain ay maligo ka na para sa morning workout mo. Nandito ang trainor mo." Nasamid ako sa sinabi ni Perla at napangiwi. " Kailangan mong i-maintain ang twenty-five inches at malaking balakang mo para sa paghahanda sa nalalapit na pag-uwi ni Senyor Esteban."
"Sige po, susunod na ho ako at uubusin ko lang itong almusal ko," walang ganang sagot ko.
Umalis ito nang tahimik. Tumingin ako kay Katya at nagbuntonghininga. Isang beses lang ako kumain ng meat at iyon lang naligo ako sa talon, tumingin ako sa kinakain kong wheat sandwich na may palaman na gulay. Sawang-sawa na rin ako sa pagkain na ganito. Tingin ba nila ay tumataba na ako e puro dahon lang naman ang kinakain ko?
BINABASA MO ANG
Crashed On You
RomanceFrisson Series II - Rad Love conquers all. ( Minors not allowed) 02-15-2021