Kabanata 30

1.8K 64 9
                                    

Ilang minuto pa akong nakatayo sa harapan ng pintuan, bago nagpasyang pumasok sa loob. Nag-buntong hininga ako at sumulyap sa mga kaibigan nito na nag-tatawanan pa habang nanonood ng variety show sa flat screen tv. I pouted my lips and walked closer to them.

" Ayos lang kaya sila?" Tanong ko sa kanila na mukhang wala naman sa kanila ang nangyayare.

Umupo naman si Chef Don sa tabi ni Sky na ngayon ay inalis ang uniporme nito.

" Ella, uh I mean Bella? You don't have to worry about them. They know what they're doing." Sagot sa akin ni Gio na tinapunan ako ng tingin at sabay pa silang tumawang tatlo dahil sa pinapanood nila.

Napailing nalamang ako. Masyado lang siguro akong nag-iisip ng masama, Blake seems expert about this, Rad was full of control about the situation. Of course, his father has a power too. Hindi din dapat ako matakot para kay Ella, dahil sigurado ako na marami din itong bantay.

Mag-hahapunan ng dumating ang maraming damit na ibinili nito sa akin. Nakakahiya dahil hindi ito basta basta. Mabilis din akong nakaligo, na halos manlumo ako sa brand ng damit na ibinili para sa akin even undies and bralette. I sighed and shook my head.

Hapon na at halos hindi na ako mapakali dahil wala naman itong text sa akin, hindi naman siguro ito nag-bago ng numero. At least he message me.

" Hey! Are you sure they're okay?" Sigaw ko mula sa baba sa kanila na ngayon ay nasa game room at nag-lalaro ng xbox.

Habang nakasalong baba ako sa sandalan ng malambot na sofa at nakaharap sa kanila.

" Join us here, you won't feel bored! Holy cow, Gio move!" Sigaw ni Sky sa akin habang ang tingin ay nasa nilalaro nila.

" Señorita, snack for you. Wag mo masyadong isipin si Boss Adam." Tawa ng Chef nito sa akin.

Umayos ako ng upo at naamoy ko ang home made pizza nitong ginawa at mainit init pa. Umupo ito sa pang-isahan na sofa at ngumiti sa akin.

" Matagal ka na ba niyang Chef?"

Sa tansya ko kasi ay matanda ito ng ilang taon sa akin.

" My father is their personal chef eversince, pumupunta lang ako sa condo niya kapag nandito siya." Anito at kumuha din ng pizza.

Kinagat ko ito at nanlaki ang mga mata sa sobrang sarap ng ginawa niya, filled with cheese and so beefy.

" Ang sarap." Ngiti ko sa kanya.

Humalakhak ito at tumango.

" Hey! Bat wala kami dito?" Sigaw ni Gio na mula sa taas.

" Tsk, go down here!" Iiling iling nitong pahayag na mukhang close din sakanila.

" So, kilalang kilala mo na si Rad?" Napahinto ito sa pag-kagat ng pizza at kumunot ang noo. " Sabihin mo, ilang babae na naiuwi niya dito sa condo niya?" Naningkit ang mga mata kong tumingin sa kanya.

" Uh, we lost count!" Sabad ni Sky na naka baba na pala at kumuha din ng slice ng pizza.

" Pray for your life motherfckr!" Natatawang wika ni Gio na kasunod nito habang ako ay kunot noong nakatingin sa kanila.

" A what?" Inis na tanong ko.

" Wag kang makinig sa mga yan, daig pa ang bata kung mag-lokohan." Ngiwi nito sa dalawa na pag-katapos kumuha ay umakyat muli sa taas.

Buong hapon yata akong nanood ng movie, habang nag-lalaro ang dalawa. Panaka naka ay sinisilip ko ang phone ko baka may text ito, triny ko din siyang tawagan upang tanungin pero busy ang phone niya. Nakapatay naman ang cellphone ni Ella.

Crashed On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon