Kabanata 21

1.2K 53 6
                                    

" Pano mo nalaman to? I've never knew this place!" I said without looking at him. " Ngayon lang..."

" Valencia is a good place." Anito ng nasa tabi ko na. Ngumiti ako at tumingin sa kanya.

" Yes! In deed. Kaya ka ba bumalik dito sa Valencia?" Ngiting tanong ko. Kumunot ang noo nito at naging seryoso. " Ang sabi sa akin ni Katya ay pamangkin ka ni Mang Densyo, marahil ay nakatira ka sa kabilang bayan."

" Yes, but it is far away in this place." Natigilan ako sa sagot niya at binigay ang buong atensiyon sa kanya.

Malayo? Saan? Sa Cebu? Davao? Imposible naman sa Manila. Pero kahit saan pa iyon imposible naman akong makakapunta doon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot.

" So you mean you're staying here for good?" Kuryosong tanong.

" I'm not."


Bumalot ang lungkot sa puso ko, It felt like someone stabbing my heart. I don't want to feel hurt, pero hindi ko mapigilan na masaktan at pakaramdam ng lungkot.

He never said his goodbyes. Everything was still black and white, I still needed his explanation. I am eager to talk to him.

" Senyora Bella..." Tawag ni Katya na sumunod sa akin. " Mang Densyo, kamusta po kayo?" Maligayang bati nito sa matanda.

" Katya, aba Hija mabuti naman." Mataman na sagot naman ni Mang Densyo.

" Hindi ko pa alam na nakabalik na ho kayo! Kamusta na po ang pakiramdam ninyo? Hindi po ba mas makabubuti na magpahinga nalamang po kayo?" Magiliw na sagot nito na ngayon ay nasa aking tabi.

" Mas lalo akong nagkakasakit Hija kapag nagpapahinga ako!" Tawa naman na sagot ni Mang Densyo.

" Ay ganoon po ba. Sina Alyas po ba at Rad ay nandyan?"

Nagulat ako sa tanong ni Katya at akmang hahawakan ko ang siko nito upang makaalis na kami ng sumagot sa kanya si Mang Densyo.

Tumawa pa ito at napailing. " Ang mga batang iyon talaga."

Kumunot ang noo ni Katya " Bakit ho?" Kuryosong tanong naman nito.

" Ah, bumalik na ang mga ito sa Manila." Nakita ko ang pagkagulat nito at napaawang ang mga labi.

Unti unti kong iniwas ang aking tingin sa kanya.

" Mauuna na ho ako, Mang Densyo." Nanlalambot na saad ko at naglakad na patungo sa mansyon.

" Ho? Sa Manila? Hindi po ba ay pamangkin niyo si Rad?" Pilit akong ngumiti ng marinig ang mga tanong nito. " Senyora Bella, sandale..." dugtong pa nito ng mapansin siguro ang paglayo ko sa kanilang dalawa.

Ngunit hindi ako huminto sa paglalakad ng maabutan nito ako at humarap sa akin na nagtatanong ang mga mata, alam kong punong puno ng katanungan ang isip niya nitong mga nakaraang araw. Marahil ay ngayon may alam na siyang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Ayokong magsalita pero alam kong nararamdaman nito ang aking damdamin.

Panatag ako na nandito si Katya sa tabi ko, kilalang kilala niya na kami ni Ella. Kahit hindi ako magsalita nararamdaman niya na umiiyak ang puso ko, alam niyang may problema ako.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at hinawakan nito ako sa aking braso upang huminto. Yumuko ito at ramdam ko ang kaba sa kanya.

" Hi-Hindi ko alam kung ito ang tamang oras para kausapin mo siya, pe-pero nandito kasi ngayon si Thalia." Pabulong na saad nito sa akin.

Crashed On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon