Manghang-mangha ako sa maganda at mahabang gown na ipinagawa pa ni Mama sa isang sikat na designer na nagmula sa Dubai. It was an old classic fashion designed that fitted in this modern times.
"Wow, it's so cool!" manghang pahayag ko habang nakatingin sa malaking salamin.
"Bagay nga sa iyo, Bella," pahayag ni Rafaella na tulad ko ay kamukha rin ang disenyo ng gown. Ngunit magkaiba lamang ng kulay, kulay lavender ang kanya habang kulay rosas naman ang sa akin.
"Ikaw rin, Ella. Bagay sa iyo." Napangiti ako at inayos ko ang nahulog na strand ng buhok nito sa kanyang mukha.
Hindi maipagkakaila na magkamukhang-magkamukha kami. Madalas nalilito ang mga tao sa aming dalawa, kaya mas minabuti ni Mama na ibang kulay lagi ng damit ang suot namin para maiwasan ang pagkalito ng ibang tao. Ngunit sa mata ng mga magulang namin alam na alam nila kung ano ang pagkakaiba naming dalawa ni Ella, she was a soft and feminine type woman. Habang ako ay tough one.
"Rafaella, have a look at this elegant diamond necklace that we bought when we went to London," ani Mama na pumasok sa silid kung saan namin fini-fit ang gown para sa debut namin.
"Really, Mama?" Ngiting-ngiti si Ella na lumapit kay Mama. "Wow! It's so beautiful, Mama. Bella? Look!" Sumulyap ako sa kanilang dalawa na ngayon ay nakaupo sa malaking sofa namin.
Hindi ko maitatanggi na naiinggit ako kay Rafaella sa tuwing nakikita ko ang kaligayahan sa mata ni Mama tuwing kausap niya ito. Alam kong mali ang makaramdam ng ganito, ngunit masisisi ni'yo ba ako? I've never felt her loved towards me, until now.
Ngumiti ako at humakbang palapit sa kanila.
"It's yours, Rafaella, because you got a high grade in your final exam." Napahinto ako sa paghakbang at naninikip ang dibdib sa narinig. She was always like this.
"Next time, Abella, focus on your study. You just got an average score on all of your exams!" Napailing-iling si Mama at punong-puno ng disappointment ang mukha.
Nanikip ang dibdib ko at napangiti ng pilit. Hindi na bago sa akin ang ganitong tagpo ngunit mas lalong sumasakit sa tuwing kinukumpara ako kay Rafaella. I know she's way better, but you see I'm trying so hard to be perfect. Nagkatinginan kami ni Katya na nakatayo sa hamba ng pintuan at may dalang merienda.
"Mama, don't be too harsh to Bella." Ella's soft voice filled my ears.
Ella was a soft type of woman, and always makes my heart melt. She never bragged about her success and she always supported and guided me in everything.
"It's okay, Ella. Tama naman si Mama." Pilit na ngiti ko at pumasok sa loob ng fitting room para ihubad na ang gown sa katawan ko.
Ngunit hindi pa rin nawala ang sikip at lungkot sa dibdib ko. Kahit kailan hindi ko narinig na naging proud sa akin si Mama. She always yell at me everytime I did something wrong, and when I did something good she never saw it because Rafaella do it better.
Maganda ang gising ko ngayon araw, bagamat pangalawang araw na wala sina Mama ay hindi pa rin maalis sa isipan ko iyong lugar na pinuntahan namin ni Rad. It was a wonderful and peaceful place.
Sana makabalik pa ako roon.
"Senyora Abella, tinanggap ni Donya Angelita ang imbitasyon mo mula kay Senyora Maria Angelina." Napahinto ako sa pag-inom ng gatas at tumingin kay Perla na may hawak na schedule ko sa buong linggo.
"Hindi ba, Perla? Sinabi ko nang ayokong makipagkita sa kanila," tiim na bagang sabi ko.
Pilit itong ngumiti. "Sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong pumunta dahil iyon ang bilin ng Mama mo." Napahampas ako sa malaki at mahabang mesa.
BINABASA MO ANG
Crashed On You
RomanceFrisson Series II - Rad Love conquers all. ( Minors not allowed) 02-15-2021