Kabanata 33

1.4K 58 2
                                    

I rolled my eyes at him. I froze when the intercom buzz again.

" Mr. Montenegro, your mom is on the other line." Sumulyap ako sa kanya na nakakunot ang noo habang papalapit sa table niya.

Tumayo ako kaagad at nag-lakad patungo sa table niya upang sagutin ito, sakto naman na hinawakan ni Rad ang kanang braso ko upang pigilan ako but its too late dahil napindot ko na ang button.

" Sure, kindly direct it to his office phone." Nakangiting wika ko at inalis ang pag-kakapindot sa intercom at tumingin sa kanya na kunot na kunot ang noo.

" What?" Natatawang tanong ko at ilang minuto lamang ay tumunog na ang telephone nito sa table niya.

Bumuntong hininga ito bilang pag-suko, marahan itong umiling sabay binitiwan ang pag-kakahawak nito sa braso ko at umupo sa kanyang swivel chair bago walang ganang sagutin ang tawag ng Mama niya.

Napailing ako sa reaksiyon nito, he was glaring at me while his left hand was in his forehead.

" Mom!" He snapped, at hindi inaalis ang masamang tingin sa akin habang ang telepono ay nasa kanang tenga nito.

Nag-kibit balikat ako, at humalukipkip sa tapat nito habang pinapanood siya. I can't stop myself from smiling, while he looked so pissed.

" Yeah, don't worry." He froze and took a deep breath. " Tsk! Pupunta kami. Don't expect us to be on time!" Inis na wika nito at nanlaki ang mga mata ko ng masilayan ko ang pag-ngisi niya.

Kinabahan ako bigla nang mag-laro ang pilyong ngiti nito sa kanyang mga labi. Tumikhim ako at umiwas ng tingin sa kanya.

" She's with me." Mababang sagot nito. " They're coming too, don't worry." Bumuntong hininga muli ito na parang gusto na kaagad tapusin ang tawag ng Mama niya.

Hindi ko marinig ang sinasabi ni Tita Olivia sa kabilang linya. Pero mukhang sinisigurado nito ang pagpunta namin.

" Mom she's doing some work! She's busy." Giit nito at sumulyap ako sa kanya na nakatingin sa akin. " I told you, pupunta kami. I need to end this call, I have some important things to do. Bye." Wika nito at hindi nawawala ang tingin sa akin ng ibinaba na nito ang telepono ng tuluyan.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya dahil tapos na siya sa lahat ng gagawin niya ngayong araw na ito.

" What?" I asked and bit my lip when my body started to feel the heat again, because of his stare.

" Come here." He commanded, at hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.

I felt my knees tremble when he intertwined his hands while still looking at me. I rolled my eyes and shook my head slowly.

" Rad," I warned him, at pinandilatan ko siya ng tingin.

He sighed and nodded his head, as if controlling hisself.

" I just want to hug you, then we can go." Malalim at seryosong wika nito.

Ilang segundo ko siyang tinitigan and he looked so tired. I took a deep sighed and started to walked towards him. Gaya kanina, pinaupo niya ako sa kanyang mga binti at inalalayan ang likuran ko. Maingat nito akong hinawakan upang hindi mahulog.

" They might see us here." Nag-aalalang wika ko at nakangusong tumingin sa kanya.

" I locked the door." Bulong nito sa kanang tenga ko at naramdaman ang mainit na pag-buntong hininga nito. " I want to be close to you like this, I just want to feel your warmth." Bulong nito sa tenga ko at mariin akong niyakap sa aking bewang kahit na naka-tagilid ako sa kanya.

" How's your work?" Pabalik na bulong ko sa kanya habang yakap nito ako, pakiramdam ko ay naka-pikit ang mga mata nito. Hindi ko mapigilang haplusin ang kamay niya na nakayakap sa aking tyan.

Crashed On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon