Chapter 32 | Sad Flower

596 38 63
                                    

Trisha’s Point Of View
___

“I’m sorry,” Angel said with a low tone as she lower her head. Nakita kong pinaglalaruan niya ang kaniyang mga daliri habang nakikinig sa sermon sa kaniya ni Rainy. “It’s not my fault,” mahina pang saad niya saka mas lalong ngumuso.

“Anong ‘It’s not my fault’?” hindi makapaniwalang sambit ni Rainy habang nakapameywang siya. She’s still pissed at Angel for making a trouble as soon as the guards started checking us for security purposes. “You punched three guards making them unconscious, Angel. Ngayon sasabihin mong wala kang kasalanan?”

“Ulan is really pissed,” rinig kong bulong ni Nath na kasalukuyang nakaupo sa isang bench na malapit lamang sa gate ng tribo. He then looked at the three guards that are lying on the ground, unconscious. “Damn! They’re probably dead.”

“Sa lakas ba naman ng suntok ng ate mong demonyo, siyempre makno-knockout ang mga ‘yan,” natatawa namang saad ni Winter.

“It’s not her fault, she just misunderstood them,” pagsingit ni Sky na nakaupo rin sa bench kasama ang mga lalaki.

“Sobra kasi ‘yung security rito, pati babae kinakapa!” natatawa at naiiling na sabi naman ni Zen.

“It’s not actually ‘kinakapa’, they’re just checking us for the safety of their people,” turan rin ni Nix.

Nanatili lamang akong tahimik habang pinapakinggan ko silang nag-uusap. As I wandered my eyes around the place, while biting my nails, I can say that nothing changed in this place. It’s still the same. Nasa entrance pa lang kami at inaayos ang gulong ginawa ni Angel. Actually, si Lemon lang ang kumausap sa mga ibang guards tungkol doon kasi wala akong ganang makipag-usap ngayon, mabuti’t naintindihan nila.

Nasa entrance pa lang kami ay parang naliligo na ako sa sariling pawis dahil sa kaba. Nagtatakha nga ako kung bakit ako kinakabahan, eh dito naman ako lumaki. Ihhh!

Habol-habol ko ang aking hininga nang dumako ang aking mga mata sa lagusan na magdadala sa amin sa loob ng tribo. Father should have known by now that we’ve arrived. Mas lalo pa akong kinabahan nang may nakita akong pigurang papalapit sa amin, nakahinga na lang ako ng maluwag nang makita kong tauhan lamang iyon ng aking ama.

Napalabi ako at saka nararamdaman kong nanunubig ang aking mga mata. Huhu! Akala ko si Daddy, muntik ng lumabas ang puso ko sa ribcage ko. Hmmp! Siguro busy si Daddy kaya hindi siya ang sumundo sa amin ngayon. Alam ko naman na alam niya na ang tungkol sa misyon namin. He is always ready and a composed man.

“It’s okay now,” rinig kong sabi ni Lemon habang papalapit siya sa amin. Galing kasi siya sa office ng mga guards at kinausap ang pinuno ng mga guards tungkol sa nangyari. She then put her braided hair on top of her shoulder as she looked at us with her hands on both of her hips. “We’re ready to go so don’t make any trouble. This is the strictest tribe in the whole world. The rules are the same, like, no killing, no stealing, and etc.” Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy, “But there is only one rule that is different, the only rule that doesn’t exist on the outside world except here.”

“And that is…” Hindi ko mapigilan ang aking sarili na sumingit sa sinasabi ni Lemon. Naramdaman ko na namang nawala ang lahat ng emosyon sa aking mukha, hindi ko alam kung bakit palagi itong nangyayari sa tuwing naaalala ko ang aking ama. Whenever I remember my father, there’s always this emotion that is unknown to me that keeps spreading in my body.

“Trisha?” Napabalik na lamang ako sa aking diwa nang tinawag ni Sky ang pangalan ko.

I forced a smile as I looked at them. “The rule is ‘Be strong’.”

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon