Epilogue

663 14 22
                                        

Trisha Gardner

In our journey, we’ve weathered countless trials, and the looming specter of yet another challenge may be on the horizon. But I know if we stand united, we will conquer it all, even chaos itself.

Mahina akong umungol nang makaramdam ako ng kirot sa aking buong katawan, kahit ang munting hapdi ay hindi nakatakas sa aking pandama. Ngunit napawi ang atensyon ko sa sakit ng aking katawan nang may naramdaman akong humawak sa aking kamay.

It’s warm, and it’s caressing my hand softly.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata nang makaramdam ako ng mabigat sa aking tiyan. Kaagad kong nakita si Luna. Nakaupo siya sa tiyan ko at saka inosenteng nakatingin sa akin.

Cute.

Napansin kong nabalot ng bandages ang aking braso at kamay, ramdam kong mayroon din sa bandang tiyan at dibdib ko. Kaya nahirapan pa akong gumalaw noong una.

Babangon na sana ako mula sa aking pagkakahiga nang biglang may yumakap sa akin. Nagulat ma’y napangiti naman kaagad ako nang makilala ang pabango ng taong yumakap sa akin.

“Skyler, huwag masyadong mahigpit,” bulong ko. “It is difficult to breathe…”

Kaagad niya namang niluwagan ang pagkakayakap niya sakin ngunit imbes na lumayo ay nanatili siyang nakayakap habang ang kaniyang ulo ay unti-unting bumaba sa gilid ng aking braso.

Tulad ko ay may bandage rin siyang suot sa braso niya, halata ring pati sa katawan niya.

I roamed my eyes around the place and noticed that I’m in the academy’s infirmary. Kung bakit hindi ako dinala sa bahay namin sa Terrae para doon na gamutin ay hindi ko alam. Required ata na dito sa academy mismo ma-admit ang mga estudyante.

“Sky,” I called, gently tugging on his cream tunic. “May pagkain?”

Hindi siya sumagot. Ang tanging tunog lang na aking tiyan ang narinig ko, tunog ng gutom.

Nanatili siyang tahimik. I don’t know what he’s on to, so I tried cupping his face. Napatigil ako nang maramdamang basa ang kaniyang pisnge.

“Hm?” Nag-aalala ko siyang pinaharap sa akin, pero nagmatigas siya at nanatiling nakabaon ang kaniyang mukha sa balikat ko. “Umiyak ka ba?”

Walang sagot.

“Have you been shedding tears?”

Walang imik ngunit ang kaniyang mga munting hikbi ay rinig ko. Gumagalaw din ng bahagya ang kaniyang balikat.

“Big boy ka na, Skyler!” Natataranta kong sabi. “May kumuha na naman ba ng candy mo? Sino? Sa-sample-an ko.”

Nakanguso kong sinuklay ang kaniyang buhok. The last time his candy was stolen, sinipa ko sa mukha ‘yung kumuha tapos na-punish kami pareho ni Dad, hihi.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Zeno na siyang napatigil din. Bumuka ng kaunti ang kaniyang bibig at nanlalaki ang matang tinignan ako.

Pinanlakihan ko rin siya ng mata.

Anong problema niya?

Nakita ko naman sa kaniyang likod ang papalapit na sina Rainy, pero bago pa man sila tuluyang makapasok ay lumakas bigla ang hangin sa silid. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari basta napalabas ng hangin na iyon si Zeno at malakas na sinara ang pintuan ng silid.

Niyugyog ko si Sky. “Tara na, naghahanap na sila sa atin.”

Hindi siya sumagot, pero maingat siyang gumalaw. Nang makita ko ang kaniyang mukha ay kapansin-pansin ang pamumula at pamamaga ng kaniyang mata, pati na rin ang pisnge at dulo ng kaniyang ilong ay bahagya ring namula.

Suminghot siya. “I’m good. Let’s go, Mae.”

Inalalayan niya akong tumayo. Nakagat ko na lamang ang labi ko nang naramdaman ko ulit ang kirot ng katawan ko. Wala bang gamot na nakakawala ng sakit ng katawan?

“May chocolate ka diyan?” Ngumiwi ako. “Sakit balakang ko.”

Kahit naglalakad na ‘ko palabas ng silid ay nakaalalay pa rin siya sa akin.

“I bought a lot of candies and chocolates, it’s all yours when you recover.”

Napanguso ako. “Hindi puwede ngayon?”

“No.”

Nang makalabas kami ay kaagad na bumungad sa amin ang aming mga kaibigan. Masaya ko silang sinalubong ngunit napawi ang ngiti ko nang makita ang pagkabahala sa kanilang mga mukha.

“Trisha, are you feeling better?” Musa smiled at me.

Tumango ako at saka nakakunot ang nuong tinignan sila. “Anong problema?”

Angel heaved a sigh. “You’ve been gone for weeks, and while you’re gone, something came up.”

“W-What?” Naguguluhan ko silang tinignan.

Nakuha ang atensyon ko ng ingay na nanggagaling sa labas. Ngayon ko lang tuluyan narinig ang mga ingay, dahil hindi pa ata bumabalik ng tuluyan ang aking lakas, kaya hindi masyadong matalas ang senses ko.

The screams coming from outside have driven me to approach them, so I did. Lumabas ako sa isang balcony ng building, at mula sa itaas ay kitang-kita ko ang mga pangyayaring nagaganap.

My heart sank at the sight before me.

The once majestic structure lay in ruins, half of its castle destroyed and charred by fire, while the other half stood as a chaotic mess of crumbling walls and debris.

But what truly shocked me to the core was not the destruction of the academy, but the people of Mystic who stood amidst the rubble. Holding torches and makeshift weapons. Ang kanilang mga mukha ay galit na galit habang sumisigaw.

Their cries pierced the air, filled with a sorrow and rage that echoed through my soul.

“NANGAKO KAYO NA PROPROTEKTAHAN NIYO KAMI!”

“NASAAN KAYO NOONG MGA PANAHONG KAILANGAN NAMIN KAYO?!”

“REBELDE! TRAYDOR!”

The weight of their accusations crushed me.

Naramdaman ko ang mga kaibigan ko sa aking likuran.

Then I heard Nathaniel sighed. “We can conquer chaos, but we can’t conquer the people.”

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon