Chapter 9 | Lost City Of Atlantis

829 56 45
                                        

Rain’s Point Of View
___

Alam kong hindi pa dapat kami puwedeng magtiwala ngayon, pero kinakailangan para mapabilis ang paghahanap namin sa mga nawawalang gems…

Habang nakatingin kay Liyah na kasalukuyang nauuna sa amin ay wala naman akong maramdamang masama sa kaniya. I can sense that she is telling the truth, I can tell that she really wants to help us, I can also tell that she is a good mermaid… And I know who she really is. But it doesn’t mean that I will let my guard down. I still need to know what her intention is. I need to guard her.

I am now afraid to trust anyone, except for my friends… and it’s all because of her.

Well, as for Zen… he’s a pirate and I can sense that he is not up to something. Ang gusto niya lang ay pera at yumaman.

May naramdaman akong tumabi sa akin habang patuloy pa rin ako sa pag-langoy, at hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino ‘yon kasi nararamdaman ko ang kaniyang dugo kasama na rin ang tibok ng kaniyang puso.

“Malalim ata ang iniisip mo, ah.” It’s Winter. “Mind telling me what’s going on in that pretty head of yours?”

“It’s nothing.”

“Hmmm…” Naramdaman ko namang tumingin siya sa buntot ko habang patuloy pa rin kaming lumalangoy, bago niya ibinalik ang kaniyang tingin sa akin. “Still struggling to move your tail?”

I sighed. “Yup,” I answered, popping the letter ‘p’.

“Whoa!” Napatigil na lamang kami nang may dumaang isang napakalaking balyena sa harap namin, kung hindi pa sumigaw si Trisha ay hindi namin ito mapapansin.

“A whale!” namamanghang sabi ni Musa.

I stared at the whale with amazement on my face. My lips gaped slightly when it made a loud sound, making the ocean vibrate as it swims with its glowing skin.

“So this is what it looks when you’re close to it!” Kagaya ko ay nakaawang rin ang bibig ni Angel at namamangha.

“Wow!” Nakita ko pang napahawak si Musa sa kaniyang bibig habang nakatingin sa balyenang nasa harapan namin.

Halos lahat ata kami ay namamangha at hindi makapaniwala sa nakikita, maliban kay Liyah dahil sigurado akong araw-araw niya itong nakikita. Ang ganda pala maging mermaid.

A pretty aquatic creatures that the Gods created, isn’t that nice? Ang gagawin lang nila ay akitin ang gusto nilang tao gamit lamang ng kanilang mga magagandang boses, lalangoy at lilibutin ang karagatan. They’re at peace, no problem at all.

“Is that a real whale?”

I frowned and gave Nath a bored look. “Does it look like a person to you?”

WAHAHAHA!” Narinig ko na lang ang mga pagtawa ng mga kasama ko, pero ang mas malakas na halakhak ay ang nasa tabi ko ngayon, si Winter.

Lumapit siya kay Nath at marahas na tinampal-tampal ang braso nito habang tumatawa pa rin. Pinaningkitan lang siya ni Nath ng mata saka umirap sa inis.

“Let’s go,” natatawang sabi ni Angel.

Tuluyan ng nakadaan ang balyena kaya naman malaya na kaming lumangoy ulit.

Habang lumalangoy ay marami kaming nadadaanang mga iba’t ibang uri na nilalang at corals pero habang tumatagal at patuloy kami sa paglangoy ay unti-unting kumokonti ang corals at isdang nadadaanan namin.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon