Chapter 28 | Destruction at the Peak

621 36 125
                                    

Pagkatapos ng sagutan ng dalawa ay umalis na lang ng basta-basta si Lemon. Ngayon ay hindi namin alam kung nasaan siya, lumipas na rin ang tatlumpung minuto ngunit hindi pa rin siya bumabalik. Napag-usapan na nga namin na mag-umpisa na lang kami sa pagi-imbestiga sa lugar na ito ng wala siya, pero nag-aalala pa rin ako.

Bumaling naman ang paningin ko kay Nath na ngayon ay kinakausap ang monghe sa hindi kalayuan sa amin. He looks better, salamat sa mongheng iyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakilala sa amin ang matandang lalaki kaya hindi na muna ako magtitiwala sa kaniya.

And I’m still confused on why did Nath knew that he is under a spell. Hindi niya pa rin kasi naipapaliwanag sa amin ang tungkol do’n kaya nagtatakha pa kami. I knew that Nath has a lot of secrets and he kept it to himself, and I bet that Angel, her sister, didn’t know about all of it.

“Rain, pakiabot ng baso, please,” pakiusap sa akin ni Zen dahil ako lang naman ang malapit sa mesa. Tumango ako saka ko inabot ang baso na nasa itaas lamang ng mesa at may laman na iyong tubig. Sunod ko itong inabot sa kaniya. “Thank you.”

“Yeah,” I just said as I looked at Nath and the Monk again. They’re still talking and I have a feeling that it’s important.

“Say…” Naramdaman kong naglakad palapit sa akin si Zen at saka mahina niya akong siniko. “What do you think are they talking about?” Sabay inom ang tubig niya.

“I don’t know, but they look serious though.” I shrugged.

“Gusto mo bang malaman?” tanong niya pa dahilan para mapatingin ako sa kaniya at saka pinaningkitan siya ng mata.

“Huwag mo akong hawaan ng pagka-chismoso mo,” sabi ko saka umirap.

“Curious lang naman tayo, there’s nothing wrong about it,” rinig kong saad niya, pagkatapos ay lumapit siya sa mesa para magsalin ulit ng tubig sa kaniyang baso.

“But eavesdropping is illegal.”

Mahina naman siyang natawa. “Okay-okay.”

“By the way, do you know where Lemon is?” Baling ko sa kaniya.

Nakasandal lamang siya sa mesa at nakatukod ang isang kamay niya sa itaas no’n para mabalanse ang bigat niya, habang umiinom siya ng tubig. “Ewan ko. Bakit mo siya sa ‘kin hinahanap?”

“Wala lang, akala ko alam mo.” May mga oras kasi na nahuhuli ko siyang ano—basta!

Habang nakatingin sa kaniya ay may naalala akong gustong itanong sa kaniya. “Okay ka lang ba? Namumutla ka, oh.” Turo ko sa mukha niya.

He immediately fixed his posture before he cleared his throat. “I’m okay. You?”

“Hmmm… are you sure?” Nagdududa pa rin kasi ako. Maliban sa pamumutla ay napansin ko rin na kanina pa siya umiinom ng tubig, halatang nauuhaw talaga ito. I can also see the tiredness in his eyes. “Okay lang ako, baka ikaw ang hindi.”

“Oh.” He let out a teasing smirk that made me raised my right eyebrow. “Nag-aalala ka ba sa akin?”

“Oo,” sagot ko sabay bumuntong-hininga. Did he just think that I am flirting with him? ‘Nag-aalala’ as in ‘Nag-aalala na may feelings ako sa kaniya’? Parang tumayo naman ang lahat ng balahibo ko sa mga naiisip ko. “You’re like a little brother to me, so yes, I’m concerned about you. And you’re one of my friends after all.” I then shrugged.

“Sure ka?” natatawang saad niya na hindi ko man lang alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko kanina.

Imbes na sumagot pa sa kaniya ay inirapan ko na lang siya. Ano ba ang tinuturo ni Winter sa batang ito? Naku! Huwag lang talaga ang tinuturo ng kumag na ‘yon ay ‘yung mga mahahalay niyang kaalaman, baka masapak ko siya ng wala sa oras.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon