Chapter 2 | A Letter From The Phantom Queen

1.2K 54 8
                                    

Angel’s Point Of View
___

One year has passed and here we are, still running, and hiding.

“Sky, attack them!” I shouted.

Tumalon ako ng mataas para lampasan ang malaking kahoy na natumba dahil sa mga atake ng mga Phantoms. Nilingon ko si Sky at nakita itong nagpalabas ng malakas na hangin dahilan para tumalipon ang tatlong Phantoms. Hmm… mukhang dalawa na lang ang kailangan naming patumbahin pagkatapos ay makakauwi na kami sa kampo.

Tumigil ako sa pagtakbo at kasabay no’n ay ang pag-iba ng aking anyo. I turned to the Phantoms and slashed their heads off. Akmang pupugutin ko na ng ulo ng isa pang Phantom pero bigla na lang itong natumba, saka ko lang nakita ang palasong yari sa ginto na nasa batok nito. Umangat ang ulo ko sa itaas ng isang puno at nakita si Rain na kasalukuyan na ngayong bumababa sa puno.

Wala itong ekspresyon hanggang sa makalapit ito sa akin.

“Ibinigay niyo ba ang lahat ng supot na dala natin sa tatlong ‘yon?” tanong ko.

Unti-unting naglaho sa kamay ni Rain ang gintong pana niya. “Naibigay na namin sa kanilang lahat kaya wala na tayong bubuhatin pa.”

“Why did you let her take the food?” mahinang tanong ni Sky nang makalapit ito sa amin. “You know that she can eat all of that in just an hour, or maybe a minute.”

I chuckled. “Don’t be like that, she is trustworthy.”

“When it comes to food…” Tipid na ngumiti si Sky saka kumibit-balikat. “Yeah, she’s trustworthy.” He gave me a sarcastic look before walking pass at me.

Napailing na lamang ako saka tinignan ang limang Phantoms na unti-unti nang nagiging abo, at ang naiwan na lang sa kanila ay ang itim na armor nito. Dahan-dahang nagbalik ang aking anyo sa dati bago ako bumuntong-hininga. Actually, ang Phantoms na nilabanan namin ay ang mga pinatay na kawal ng Phantom Queen. Kinontrol niya ang mga kaluluwa nito at ginawa itong tauhan niya.

“Let’s go,” pag-aya ni Rain matapos niya ring pagmasdan ang mga abong ngayon ay dinadala na ng simoy ng hangin palayo bago siya nauna sa aking naglakad.

Inayos ko muna ang napunit kong balabal dahil sa pakikipaglaban at sumunod na sa kanila.

It’s been one year when the Phantom Queen ruled the world of Mystic. Well, she only got the throne because Queen Nathalie lost conscious that day because of the wine that she drank, and later on, we found out that it was poisoned by someone inside of the castle, in short… there is a traitor inside of the castle.

She wasn’t unable to fight that day, it took two weeks before she woke up from her deep slumber. Ngunit ang mas ipinagtatakha namin ay, bakit hindi nila pinatay kaagad ang reyna? They’ve got the chance when they put a poison in her drink, so why didn’t they just put a poison that could kill the Queen? Why did they just made the Queen unconscious? Whatever the reason is, I have bad feeling about it.

Dapat masaya at payapa ang Mystic Day pero noong sumugod ang Phantom Queen ay gumulo ang lahat. Buti nga nagawa pa naming makatakas mula sa Phantom Queen, salamat sa kapangyarihan ni Sky. Noon kasing umatake na ang Phantom Queen ay nagulat na lamang kami noong humarang si Sky, ngunit imbes na tumalipon o masugatan siya ay wala kaming nakitang kahit niisang galos sa katawan niya… parang walang epekto sa kaniya ‘yung mga atake ng Phantom Queen.

At napagtanto na lamang namin na nasa labas na kaming lahat kasama ang hari’t reyna dahil ginamit ni Sky ang hangin para dalhin kami sa labas.

When the Phantom Queen finally got the throne and ruled the world, the sky turned dark. The sun and the moon was never seen again, and the stars didn’t showed up, it was all dark. We do not know what day nor time it is now, it’s like the time has stopped from ticking. Mystic World was a paradise, not until darkness took hold. The Phantom fucking Queen, did all of this. She turned the sweet paradise to hell, goddamn!

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon