Chapter 49

263 11 12
                                    

Trisha’s Point of View

Sa isang madilim at tahimik na pasilyo, naglakas-loob akong sumilip mula sa pintong hindi tuluyang nasasara. Ang maliliit kong kamay ay maingat na hinawakan ang gilid ng pinto, sinisiguradong hindi ito gagawa ng kahit na kaunting ingay.

Ang tanging ilaw na nagmumula sa apoy sa dapog ang nagbigay-daan upang makita ko ang pangyayari sa loob. Sa loob ng silid, nakita ko ang dalawang may katandaang lalaki na seryosong nag-uusap. Ang kanilang mga nuo ay nakakunot, at mukhang parang ayaw nila sa isa’t isa.

Kahit hindi ko maintindihan ang usapan ng dalawang matanda ay ipinagpatuloy ko pa rin ang aking ginagawa dahil na rin ata sa kuryosidad. Napatingin ako sa aking ama. Kumabog ang aking dibdib sa takot na baka mahuli ako nito ngayon dahil alam ko na kung sakaling mahuli ako ng aking ama ay tiyak na paparusahan ako.

Nakatakas mula sa aking bibig ang muntik singhap nang may biglang humawak sa aking balikat. Mabilis na gumapang ang kaba sa aking sistema kung kaya’t mabilis ko itong nilingon.

There, I saw a child the same age as me. Nagtatagpo ang dalawang kilay nito na parang tutol ito sa aking ginagawa ngayon. He was slightly taller than me, but what most captivated me were his sleepy silver-colored eyes. Complementing his eyes were his white eyelashes.

He then spoke softly, but the irritation in his voice and in his face was visible. “You can’t be here.”

          Napabalik ako sa aking ulirat nang naramdaman ko ang bahagyang pagyanig ng kalupaan. Mula sa higante ay tumuon ang aking paningin kay Winter.

“Kayo na ang bahala sa isang ‘to,” tukoy ni Winter sa higanteng nasa harapan namin. “Nix, Lemon, and Rain, you come with me.”

Nagsimula na silang gumalaw papunta sa higante na nasa likod lamang ng nasa harapan namin. Hinanda ko naman ang aking sarili at saka ipinokus ang lahat ng aking enerhiya sa aking loob. Dahil dito ay naging matalas ang aking pandama sa kapaligiran.

I closed my eyes to feel my surroundings more. Kahit nakapikit ako ay parang nakikita ko pa rin ang lahat ng paggalaw at yapak sa kalupaan. Mas lalo kong naramdaman ang pagyanig ng kalupaan, kaya’t sigurado na ako na kontrolado ko na nang buo ang buong kalupaan sa area na ito.

Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang paggalaw nila Nath. Minulat ko na ang aking mga mata at saka iginalaw ng dahan-dahan ang aking dalawang kamay. With my magic, I controlled the ground just below the giant’s feet and wrapped the soil around its feet to stop the giant from moving.

Nang dahil sa ginawa ko ay huminto saglit ang higante sa paggalaw dahilan para makabuwelo si Nath upang umatake. He climbed up to the giant and motioned his hand to create fire in both of his hands. His fire formed a flaming sword and slashed the giant’s arm as he jumped in the air, but the arm remained intact; it only got a few scratches from the attack. Kaagad namang rumesponde si Zeno at gumawa ng maraming espada at pinalutang ito sa ere habang siya ay tumatakbo paakyat sa higante.

Ginamit naman ni Nathaniel ang mga espadang nakalutang sa ere para hindi siya mahulog ng tuluyan, umapak siya sa isa at saka tumalon na naman papunta sa braso ng higante kung saan niya ito inatake. He then took a sword in the air and wrapped it with his magic before striking it against the giant’s arm once again.

Mabilis kong inangat ang lupa sa aking harapan, enough to protect myself from the flying debris of the ground, when the arm finally fell and hit the ground with a strong impact, making the ground tremble again.

After that, I did not waste time. I commanded the ground beneath me to respond to my will. The ground once again quivered and trembled, sending a wave of energy through me, empowering my control over the very foundation beneath my feet.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon