Rain’s Point Of View
___“Rain…”
“Hmmm?” tinatamad kong sagot sa boses na tumawag sa akin nang hindi minumulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung kaninong boses iyon ngunit wala na akong pakialam dahil inaantok pa ako.
Nang hindi ko na muli narinig ang boses na iyon ay ipinagpatuloy ko na ang tulog ko, pero pagkalipas ng ilang minuto ay narinig ko na muli ang mahiwagang tinig na palaging tumatawag sa akin…
“Wake up, he needs you.”
At dahil doon ay pilit kong binuksan ang aking mga mata. Unang bumungad sa akin ang bubong ng tent na tinayo namin, naguguluhan ko iyong tinitigan at inisip ang narinig ko bago lang. What is that? Baka nababaliw na ako kaya nakakarinig na ako ng mga boses sa utak ko. Huwag naman sana.
Atsaka anong ‘he needs you’? Ilang minuto akong nanatiling nakahiga sa aking higaan at inisip kung ano ang ibig sabihin no’n pero sa huli ay wala akong naisip na sagot, kaya napagpasyahan ko ng bumangon. Napansin ko rin na wala na akong kasama sa loob ng tent kaya nasisigurado kong nasa labas na silang lahat.
Inayos ko muna ang higaan ko bago ko inayos ang aking sarili. Nang makitang ayos na ang sarili ko sa salamin ay lumabas na ako. Una kong nakita si Trisha na kasalukuyang nakaupo sa upuang gawa sa kahoy at kumakain, kasama niya si Lemon na nagbabasa ng libro sa harapan niya. Sunod naman ay si Angel at Musa na malapit lamang sa dalampasigan at ngayon ay kasalukuyang kinakausap sila Winter. Napansin ko ring parang matamlay ngayon si Zen at parang namumutla ito.
“Anong nangyari sa kaniya?” bulong ko sa sarili ko.
Nagkibit-balikat na lamang ako saka luminga-linga pa sa paligid dahil kulang kami ng isa ngayon. Siguro tulog pa ‘yong gagong ‘yun. Akmang lalapit na ako kila Angel nang mahagip ng paningin ko si Nath na kakalabas lang ng tent nila. Magulo pa ang buhok niya at parang nanghihina rin siya tulad ni Zen. Ano bang mayroon ngayon? May sakit ba silang dalawa?
He flashed a small smile when he saw me, before walking closer to me. Nang makalapit siya sa akin ay mas lalo kong nasigurado na nanghihina nga talaga siya, na para bang may lagnat siya ngayon. My hand reached his forehead to make sure if he is sick or not.
Napakunot na lamang ang nuo ko matapos kong maramdaman ang temperatura niya. “Bakit ang lamig mo?”
“I don’t know,” sagot nito bago niya isinandal ang kaniyang ulo sa balikat ko habang nakatayo kami. “I don’t feel well.”
“Do you want me to tell your sister?” I asked as I looked at Angel, and it looks like that she didn’t noticed us yet. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang anim.
“No, don’t tell anyone.” My brows met after hearing that.
“Humiga ka na muna at magpahinga. Ako na ang bahalang pagtakpan ka,” sabi ko sa kaniya ngunit humalinghing lamang siya.
Ilang minuto kaming nanatili sa ganitong posisyon, nangangalay na rin ang balikat ko dahil sa bigat niya kaya naman ay nagsalita na ako, “Nathaniel.”
“I had a nightmare,” sabi niya na siyang nagpatigil sa akin. Dahan-dahan niyang inilayo ang ulo niya mula sa balikat ko. He then looked at me with sadness in his eyes, I can also feel his heartbeat’s slow pace. “I saw my little sister being taken away from me.”
Oh. He did told me about her little sister being taken from them by the people. Wala akong alam na rason para kunin ng mga tao sa kanila ang nakakabatang kapatid niya. They don’t have the rights to do that.
BINABASA MO ANG
Scars of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟮 | Scars of Chaos 𝘐𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘢𝘵𝘵𝘭𝘦𝘧𝘪𝘦𝘭𝘥... It's been a year since that day happened-the day when the Phantom Queen appeared right before them. That was also the day when they lost everything. ...