Chapter 4 | The Secret Entrance

1.1K 66 29
                                        

Third Person’s Point Of View
___

Pinagpagan ni Nath ang kaniyang kamay nang matapos niyang sindihan ng apoy ang mga kahoy na nakuha nila kanina lang. Tinignan niya ang apoy na ginawa niya habang may ngiting nakaukit sa kaniyang mukha, sabay nameywang.

“That should do it.”

“Hey, gather around!” pag-tawag sa kanila ni Winter na agad rin naman nilang sinunod.

Tumigil muna sila sa kanilang mga ginagawa at pinalibutan ang campfire saka sabay-sabay na umupo sa malaking troso.

“Teka, nasaan na ‘yong baboy ramo na nahuli ko kanina?” tanong ni Angel sabay linga-linga sa paligid ngunit hindi niya nakita ang nahuli niyang karne kanina.

“Probably, in Trisha’s stomach,” mahinang sagot ni Sky, and that made Trisha annoyed.

“Heh!” Trisha gave him a glare as she crossed her arms on her chest before looking away while rolling her eyes. “Grabe ka naman sa ‘kin! Hindi ko naman kasi ‘yon mauubos lahat, ih!”

“Oh, yeah?” Nang-aasar na tanong ni Sky kaya naman nakatanggap siya ng masamang tingin mula sa dalaga. Kumibit balikat siya saka umiwas ng tingin. “Just saying.”

Naroon kay Rain at Musa, sabi nila lilinisan nila lang raw.” Itinuro ni Nix ang daan patungong ilog na malapit lamang sa lugar na tutuluyan nila ngayon.

Tumango-tango si Angel.

“Bukas, dapat makarating na tayo sa Aquam Tribus,” seryosong sabi ni Nath at tila malalim ang iniisip. “I don’t wanna waste time.”

“Malapit na naman tayo sa tribo eh. Kaunting lakad na lang at makakarating na tayo,” sambit ni Winter.

Nasa isang gubat sila ngayon na malapit lamang sa tribo. Naabutan na sila ng dilim sa paglalakbay kaya naman napagdesisyunan nila na munang magpalipas ng gabi sa gubat na nasa teritoryo lang ng Aquam. Nilakad nila lang ang daan patungong Aquam imbes na sumakay ng barko, dahil paniguradong matutunton sila ng mga Phantoms. Wanted pa naman sila sa buong mundo dahil sa kanilang paghihimagsik.

Maraming tao ang gustong mahuli sila dahil sa kadahilanan na malaking halaga ng pera ang ibibigay ng Phantom Queen sa kung sino man ang makahuli sa kanila. Kaya nga doble ingat sila sa kanilang mga galaw.

Maya-maya lang ay dumating na sina Rain at si Musa habang dala-dala ang nakahiwa at malinis nang baboy ramo. Ang kailangan na lang gawin ay ihawin ito para makakain na sila. Inabot naman ni Rain ang karne kay Nath nang makalapit siya.

“Teka, sino nga ulit ang mag-iihaw?” Nakakunot ang nuong tanong ni Winter.

“Si Nath, bakit?” tugon ni Rain bago siya umupo sa tabi ni Nath.

“Oh for god’s sake! Huwag siya!” sigaw ni Winter bago niya sinamaan ng tingin si Nath. “Remember when we cooked for the girls? You nearly burned down the whole palace! Kaya natatakot ako na baka hindi lang kusina ang masusunog mo pagnagluluto ka, baka pati buong gubat na ‘to masunog mo na.”

Napatigil si Nath matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Winter. An unknown emotion passed through his eyes but he quickly removed it by looking down. Sunod niyang nginitian ng ngiting aso si Winter kahit na hindi siya tumitingin sa binata.

“Wala naman akong sinabing ako ang mag-iihaw.”

“Shut it, Winter. I’ll grill it.” Lumapit si Lemon kay Nath at agad na kinuha ang karne, saka niya inihanda ang mga sticks na gagamitin nila.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon