Rain’s Point Of View
___Inangat ko ang aking kanang kamay at dinama ang mga kaunting patak ng talon sa aking kamay. Hindi rin kasi kami tuluyang nabasa noong pagpasok namin sa talon dahil sa barrier na nasa itaas namin na nagsilbing malaking payong para hindi kami mabasa.
Habang patuloy ang pag-hilera ng kanang kamay ng pinuno ay unti-unti ko ng nakikita ang liwanag na sa palagay ko ay ang kung saan ang dulo ng tunnel na ito. Napapikit pa ako kasi nakakasakit sa mata ang sobrang liwanag no’n.
“Welcome to Aquam, Titans,” a baritone voice was heard, the chief, and that made me open my eyes to see the beauty of the place. “Oh, by the way, you can call me Frost.”
“Uhm, Sir.” Nakita kong lumapit si Angel kay Chief Frost at halatang nahihiya pa ito, mayroon ring itong matamis na ngiting nakaukit sa kaniyang mukha. “I am Angel Hellviore, the one that the Queen assigned to lead the Titans for a while… and I’m also your future wife.”
Muntik na ‘kong mabulunan sa sarili kong laway matapos marinig ang ibinulong ni Angel. Sa palagay ko ay hindi narinig ng mga kasama ko ‘yong panghuling sinabi ni Angel dahil binulong niya lang iyon, well, maliban sa akin dahil magkatabi lamang kami.
“Nice to meet you.” Pagkatapos niyang ngitian si Angel na ngayon ay namumula na ay bumaling siya sa akin. “Child, be careful, you might fall.”
Napaupo ako bigla dahil do’n. Nakatayo kasi ako habang nakaangat ang aking isang kamay para lang damahin ang mga maliliit na patak ng talon.
“No need to worry, Sir, marunong naman siyang lumangoy kung sakaling mahulog siya.” Tinignan ko ng masama si Nath at ngiting aso lamang ang isinagot niya roon.
“Shut up, Nath, because I’ll save her,” seryosong saad naman ni Winter.
Narinig kong tumawa ng mahina si Chief Frost dahilan para lingunin ko siya. “Overprotective to women, Son. As always.”
Dahan-dahan namang tumabi si Angel kay Winter na bigla na lang tumahik sa hindi malamang dahilan. Siniko niya si Winter dahilan para inis na tumingin sa kaniya ang binata. “You sure that you don’t want me to be your step-mom?”
“No,” mariing sabi ni Winter saka umiwas ng tingin.
“Tsk, handa naman akong mag-alaga ng isang babaerong katulad mo.” Umirap ito bago siya tumingin muli sa ama ni Winter habang nag-niningning ang kaniyang mga mata.
Napairap na lamang ako bago ko inilibot ang aking paningin sa buong lugar nang makarating na kami sa daungan ng Aquam. Tumayo na kaming lahat at bumaba sa bangka. Pagkababa ko ay hindi ko mapigilang mamangha sa gandang taglay ng kapaligiran.
“Wow! Bakit nga pala hindi ako sumama kina Nath noon?” manghang saad ni Trisha habang nakaawang ng kaunti ang bibig.
Kahit ako nga ay nakaawang ang aking labi dahil sa pagkamangha habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Ang makikita mo lamang na kulay sa tribong ito ay kulay puti at asul lamang. Ang mas nakakamangha sa lugar na ito ay, lumulutang ang tubig ng ilog kaya naman makikita mo ang mga kakaibang isda na malayang lumalangoy sa nakalutang na ilog.
Napansin ko rin na ang mga tao rito ay mapayapa, na parang walang nangyayaring masama sa buong mundo, na parang hindi nila nakikita ang nandidilim na kalangitan sa itaas nila. Maganda ang tribong ito, ngunit natitiyak kong mas gaganda pa ito kung hindi madilim ang kalangitan.
“Huwag kayong mag-alala, ligtas kayo rito.” Tumingin sa amin si Chief Frost.
“Of course it is!” Umirap si Winter saka nagsalita, “Hindi mo naman siguro ipapahamak ang anak mo, Dad.”
BINABASA MO ANG
Scars of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟮 | Scars of Chaos 𝘐𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘢𝘵𝘵𝘭𝘦𝘧𝘪𝘦𝘭𝘥... It's been a year since that day happened-the day when the Phantom Queen appeared right before them. That was also the day when they lost everything. ...