Trisha's Point Of View
___"Maraming salamat po!" masayang sambit ko kay mamang panaderya saka ibinigay ang isang supot ng barya sa kaniya bilang bayad.
Kinuha niya lamang ang bayad at hindi na sumagot sa akin. Amp! Ang sungit naman, sana naman sumagot lang siya kahit tango man lang. Nakanguso kong inayos ang balabal na suot ko pati na rin ang telang nakatakip sa aking bibig para walang makakita sa mukha ko o makakilala sa akin.
Luminga-linga muna ako sa paligid bago ko kinuha ang malaking supot na siyang naglalaman ng mga tinapay saka iyon isinukblit sa aking balikat. Bumuntong hininga ako. Sana naman kasya na 'to para sa isang buwan.
Nagsimula na akong maglakad habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Simula noong pinamunuan ng Phantom Queen ang buong mundo ay hindi na nagpakita pa muli ang araw at ang buwan, kahit ang mga bituin na palaging kumikinang sa gabi ay wala na. 'Ni hindi nga namin malaman kung anong oras at araw na, buti na lang ay nagbibilang si Lemon, matalino eh. Isang taon na ang nakakalipas, wala pa rin kaming ginagawa para maibalik ang dating nakasanayan naming buhay.
Nasa bayan ako ngayon upang mamili ng mga kakailanganin namin para sa isang buwan. Buwan-buwan namin itong ginagawa simula noong naging reyna ang Phantom na iyon sa mundo, kinailangan rin naming mag-tago dahil wanted kami sa buong mundo. Hindi ko nga alam kung bakit nakaabot pa kaming mga Titans ng isang taon na hindi kami nahuhuli, siguro'y maingat lang talaga kami, at isa pa, bago kami magpunta sa bayan ay dapat may plano kami upang hindi kami mahuli.
Sunod kong tinignan ang mga mamayan na naririto. Halata sa kanilang mga mukha ang hirap, mayroon ring walang pakialam, at mayroong masaya pa. Humigpit ang pagkakahawak ko sa lubid ng supot. Naaapektuhan ng kadiliman ang pamumuhay namin ngayon, halos wala na akong maramdamang halaman na buhay sa aking kapaligiran, kaya naman marami na ang namamatay na hayop sa buong mundo.
Light brings life, without it... there is no life.
Nang makalabas ako ng bayan nang walang nakakapansin sa aking kawal ay nakahinga ako ng maluwag. Sana naman ay wala na munang sumugod sa aming kawal, napagod kasi kami kahapon na labanan ang mga kawal ng Phantom Queen. Ewan ko ba, na-cute-an lang naman ako sa isang aso kahapon sa bayan tapos hindi ko alam na aso pala 'yon ng isang kawal kaya naghabulan kaming mga Titans pati ang mga kawal.
Tinignan ko muna ang paligid ko upang masigurado kung walang taong nakapansin sa akin, at nang makitang wala ay lumiko kaagad ako at naglakad papasok sa kagubatan at saka hinanap ang mga kaibigan ko. Hindi rin naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nakita ko na sila agad na nakatago sa itaas ng mga punong nakapaligid sa akin.
"All clear," rinig kong sabi ni Angel bago sila nagtatalon pababa para tulungan ako sa mga dala kong supot na naglalaman ng pagkain.
"Trisha..." Nilingon ko si Sky na kasalukuyang binabantayan ang paligid. "Are you sure that you didn't cause any trouble again?"
Napairap ako sa tanong niya. "Ihhh! Wala nga, sure na sure ako."
Lumapit sa akin si Luna kaya agad ko siyang binuhat at inilagay sa balikat ko. "Uwu, lumalaki na si baby Luna namin. Ang bigat-bigat na!"
"Shhh..." pagpatahimik sa akin ni Angel saka isinukblit ang supot sa kabilang balikat niya. "Nasaan na pala si Nath at si Rain?"
"Aba, ewan ko," sagot ko bago ngumisi. "Baka nag-tanan na."
Nakatanggap naman ako ng masamang tingin mula kay Angel. "Shut the fuck up or I'll wring your neck off."
Napatawa na lamang ako dahil sa sinabi niya. Hindi rin naman ako natatakot sa mga banta niya, alam ko kasing love niya ako, hihi. Sa tuwing gabi nga nararamdaman kong inaayos niya 'yung kumot ko kasi nahuhulog dahil magalaw ako pag-natutulog.
BINABASA MO ANG
Scars of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟮 | Scars of Chaos 𝘐𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘢𝘵𝘵𝘭𝘦𝘧𝘪𝘦𝘭𝘥... It's been a year since that day happened-the day when the Phantom Queen appeared right before them. That was also the day when they lost everything. ...