Rain’s Point Of View
___Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa isang bowl ng cookies nang makita ko sa peripheral vision ko na akmang kukuha si Nath. Ang takaw niya naman, binigyan ko na siya kanina kaya dapat hindi na siya hihingi kasi akin na ‘to lahat.
“Pahingi isa!” sigaw niya na parang bata sabay dabog ng kaniyang paa paglatapos ay tinapon niya ang unan na nakuha niya sa akin, mabuti’t naka ilag ako.
Napakunot ako ng nuo habang ngumunguya pa ng cookie. “Binigyan na kita kanina,” sabi ko bago ako lumayo mula sa kaniya.
Nasa isang kuwarto kami ngayon sa mansion nila Trisha at nagpapahinga. Actually, kami lang dalawa ni Nath ang naririto kasi si Lemon at Angel ay may pinag-usapan kasama ang ama ni Trisha, sila naman ang palaging gumagawa no’n kasi sila ang utak ng grupo. Si Musa ay nagpahangin lang sa labas, si Nix naman ay ewan ko kung nasaan na ‘yun, baka kasama niya rin sina Winter, Zen, at Sky kasi wala rin dito. Sunod ay si Trisha na hindi pa nagbabalik hanggang ngayon.
“Ang damot-damot mo naman,” maktol pa nito. Ewan ko kung bakit ako naiwan kasama ang gagong ‘to, ang kulit-kulit. Nagkasundo kasi kami kanina na dalawa lang na cookie ang ibibigay ko sa kaniya since madami namang snacks ang dinala ng mga maids dito, tapos ngayon hihingi siya sa ‘kin. No!
“May cake oh!” turo ko sa cake na nasa mini table na malapit lamang sa kama na inuupuan namin ngayon. “’Yan na lang ang kainin mo.”
“Gusto ng sikmura ko ng cookie kaya bigyan mo na ‘ko.”
“Akin ‘to.” Tinaasan ko naman siya ng kilay. Matagal na rin akong hindi nakakain ng cookies kaya sinusulit ko.
“Tss, damot!” Padabog siyang kumuha ng isang cupcake sa mini table sabay irap sa akin.
Inirapan ko naman siya saka kumuha ng isang cookie nang maubos ko ang isa. Sobrang napagod ako kanina kakalakad, Trisha’s father didn’t gave us a minute to rest after we’ve arrived in the mansion, he immediately showed us around. Kung hindi ako pagod sa paglalakbay ay malamang na-enjoy ko ang tour namin sa bahay ni Trisha.
Tumaas ang mga balahibo ko nang maalala ko na naman ang aura na nakapalibot sa ama ni Trisha. Malakas ang mahika na halos makatindig balahibo ngunit dumagdag doon ang kaniyang ugaling nakakatakot kaya tuluyan na ngang tumaas ang balahibo ko. I’m sure that my friends did felt that.
“Hoy, Ulan…” Nilingon ko naman ulit si Nath nang tawagin niya ako. Nakita ko siyang nakadapa habang kumakain ng cupcake. “May proposal ako.”
Napakunot naman ang aking nuo dahil sa narinig. “Ano ‘yun?”
“Mag- arm-wrestle tayo tapos kung mananalo ako ay bibigyan mo ako ng dalawang cookies, kung ikaw naman ang mananalo ay bibigyan mo pa rin ako ng cookies kasi madami ka ng nakain na cookie kaya ako naman.” Mas lalo pang napakunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya. Gago nga talaga siya. He then flashed a cheeky smile as he turned at me. “Deal?”
“Ang gago mo, alam mo ba ‘yon?” Inirapan ko naman siya. “It’s not fair.”
“Hmmm… eh ano naman ang gusto mo?”
“Uhhh…” Tumingin pa ako sa puting kisame para makapag-isip kung ano ang gusto ko pero kalauna’y napangiwi dahil ang hirap ng gusto ko, imposibleng mangyari ang gusto ko. Isa lang naman ang gusto ko, ‘yon ay ang makita kong muli ang aking ina ngunit hindi naman ‘yon magagawa ni Nath.
“Ulan, bakit nakasimangot ka na naman?” Napalingon na lang ako sa kaniya habang nakanguso ako. “Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?” nagtatakha namang tanong niya at ilang segundo ang nakalipas ay mabilis siyang lumayo sa ‘kin sabay takip ng dibdib niya gamit ang kaniyang dalawang kamay. “Aba, hindi ko magagawa ang iniisip mo! Bata pa ako!”
BINABASA MO ANG
Scars of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟮 | Scars of Chaos 𝘐𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘢𝘵𝘵𝘭𝘦𝘧𝘪𝘦𝘭𝘥... It's been a year since that day happened-the day when the Phantom Queen appeared right before them. That was also the day when they lost everything. ...