Masakit na ang paa ko dahil kanina pa kami naglalakad, habang hila-hila kami ng isang lalaking bandit. May nakatali kasing kadena sa mga posas namin at nakakonekta iyon sa aming lahat kaya madali lang sa kanilang hilain kami ng sabay-sabay.
“Hey…” rinig kong tawag ni Rain na mula sa likod ko. Ako kasi ang nangunguna sa kanilang lahat tapos ang nasa likod ko naman ay si Rain.
“Y-Yes?”
“You’re scared.” Bumaba naman ang tingin ko sa mga paa ko sa sinabi niya.
Tinignan ko ang mga posas na nasa kamay ko. Hindi pa nga naaalis ang peklat sa mga kamay ko, nandito na naman ako na nakaposas. Right, just right. Bakit ba gan’to ang takbo ng buhay ko? Bakit palagi na lang akong inaalila ng mga tao?
“No, I’m not,” I said in a low voice.
“Tahimik!” sigaw ng matabang mag-nanakaw dahilan para tumikom ang bibig namin bago ko sila tinignan ng masama.
Nahagip ng aking mga mata ang mga tent na hindi kalayuan sa amin. Sa tingin ko ay ‘yon na ang pansamantalang kampo ng mga bandits, sa ngayon. Ano kaya ang plano ng mga magnanakaw na ‘to?
Tahimik kami hanggang sa makarating kami sa kampo ng mga magnanakaw. Kaagad kong nakita ang mga taong nakaposas at nasa loob sila ng isang malaking kulungan na may apat na gulong. Halatang kinuha lang sila ng pilit ng mga bandits na ito, mula sa isang bayan na hindi hawak ng mga kawal saka sila dinala rito. Pansin rin sa mga suot nila na mahirap lamang sila. May dungis ang mga damit nila at nangangayayat na ang mga katawan.
I can see myself on them years ago…
Hinila ng malakas ng lalaking bandit ang kadena. Muntik na nga akong matumba pero may humila lang sa damit ko kaya hindi iyon natuloy. Pasimple kong nilingon si Rain saka ko siya nginitian bilang pasasalamat.
“Dalian niyo!” Hinila na naman niya kami papunta sa likod ng isang malaking tent at saka mabilis kaming ipinasok sa loob ng isang kulungan na may gulong rin. A wagon, pero malaki iyon at mukhang kulungan.
Malakas niya kaming itinulak kaya naman ay pabagsak rin kaming napaupo sa sahig ng kulungan. I winced in pain as I felt my butt’s aching.
“How dare you!” inis na sumigaw si Winter dahil nakita kong sumubsob lang naman ang kaniyang mukha sa sahig. Bago pa niya masugod ng tuluyan ang lalaking iyon ay isinara na nito ang kulungan kaya wala na siyang nagawa kundi ang umupo bago mag-mura.
My eyes settled on the outside. Nakikita ko mula sa labas ang mga bandits at pati na rin ang mga ninakaw nilang mga gamit. Maraming kayamanan na nakakalat sa paligid na nakaw naman, mga antiques at iba pang mamahaling bagay.
“Mukhang talo ‘yong mga pirata sa mga bandits na ‘to,” pang-aasar ni Nath kay Zen matapos nitong makita ang mga ninakaw ng mga bandits.
“I have lots of gold then them, so, that still makes me the Greatest Thief of all time,” nakangising saad ni Zen pabalik kay Nath.
“Yeah. And that ‘Greatest Thief of all time’ is now in a cage, with handcuffs on his hands…” Umirap si Nix. “Unable to escape.”
Napangiwi ako sa sinabi niya saka ko itinuon ang mga mata ko sa lalaking bandit na humila sa amin kanina, at napansing may dala itong puting tela habang papalapit siya sa kulangan namin. Nang makalapit ay mabilis niyang tinakpan ang kulungan gamit ang telang iyon, tinakpan niya ang buong kulungan pero laking pasasalamat ko naman dahil may hiwa sa gitna kaya may pumapasok pa na liwanag mula sa labas kahit papaano.
“Ihh! Ayoko rito!” rinig kong sigaw ni Trisha. “Saka ba’t ba nila kinuha si Luna?! Wala tuloy akong kalaro.”
“I hope Luna is okay,” mahinang saad ni Sky bago siya sumandal sa kulungan. “If they hurt my dear pet then I’ll stop their breathing.”
BINABASA MO ANG
Scars of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟮 | Scars of Chaos 𝘐𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘢𝘵𝘵𝘭𝘦𝘧𝘪𝘦𝘭𝘥... It's been a year since that day happened-the day when the Phantom Queen appeared right before them. That was also the day when they lost everything. ...