Third Person’s Point Of View
___
“Remember to always wear those necklaces that I gave you,” paalala ni Mr. Frost sa Titans, bago pa ito makasakay sa barkong pinahiram niya sa kanila.
Kasalukuyan silang nasa daungan ng Aquam para maghanda na sa pag-alis nila papunta sa isla ng mga sirena. Kagabi lang, habang kumakain sila ay napag-usapan na nila kung ano ba ang mga dapat na gawin nila pag nakarating na sila sa islang iyon.
“Get ready, everyone,” wika ni Angel saka inayos ang kaniyang postura.
Nang maayos niya ang kaniyang naka-bun na buhok ay kinawayan niya si Mr. Frost habang may matamis na ngiti sa kaniyang labi. Hindi kasi sasama sa kanila si Mr. Frost dahil marami pa itong gagawin sa tribo, ngunit kahit hindi ito sumama ay may ipinadala naman siyang mga tauhan niya upang gabayan at tulungan ang mga Titans sa kanilang paglalakbay patungo sa isla.
“Don’t you dare smile at my Father.” Napalingon na lamang si Angel sa gawi ni Winter na nakaupo lang sa railings ng barko at nandidilim ang mukha nito.
“Oh, future step-son, siguro oras na para tawagin mo akong ‘Mom’ o ‘di kaya ‘Mama’, which one do you prefer?” She chuckled at the thought.
Winter frowned even more and then rolled his eyes in annoyance.
“Ate naman! Pag nangyari ang binabalak mo, baka maging ‘Step-Uncle’ ako ni Winter.” Tumabi sa kaniya ang kapatid na kasalukuyang nakalukot ang mukha. “Iniisip ko pa lang ‘yon ay nasusuka na ako.” Sunod na niyakap ni Nath ang sarili na animo’y kinikilabutan. “Imagine, Winter is calling me ‘Uncle Nath’?! Eww, no way!”
“Fuck you, Nath!” sigaw ni Winter at nandidiring tumingin sa binata. “I don’t want you to be my uncle, and I don’t want your sister to be my fucking Step-Mom!”
Pagkatapos iyong isigaw ni Winter ay padabog siyang lumayo mula sa dalawa at saka pumasok sa isang silid sa barko.
“Winter, ‘yung bunganga mo filter-an mo!” pahabol na sigaw ni Angel bago ito humalikhik.
“Totoo rin naman na ang awkward marinig na tawagin ni Winter si Nath na ‘Uncle’,” natatawang sabi ni Musa nang makalapit ito kay Angel.
Tinignan ni Angel ang mga iba nilang kasama na kasalukuyang nakaupo sa isang kahoy na bench. Si Nix, si Rain, at si Trisha lang ang nakita niya roon. Si Lemon naman ay nakatayo at nakaharap sa isang table habang may binabasa itong libro roon.
“Nasaan si Sky?” Luminga-linga si Trisha sa paligid at hinanap si Sky, ngunit hindi niya ito nakita.
“Checking the island,” sagot ni Nath saka pinasok sa bulsa ang kamay niya. “Hoping that he found the island. Magulo pa naman ang mapa na binigay sa kaniya ni Mr. Frost.”
Napatango na lang si Trisha sa sagot nito.
Napatingin si Nath sa upuan kung saan nakaupo sina Nix, at naisipan niyang umupo muna roon. Tumabi siya kay Rain na ngayon ay nakapikit ang mga mata at mukhang natutulog, nakasandal ito sa railings ng barko habang naka-krus ang braso sa dibdib.
“Don’t you dare speak at me,” mariin na wika ni Rain habang hindi pa rin minumulat ang mata.
“Come on, I just wanted to tell you something.”
“Nath!” Marahas niyang iminulat ang kaniyang mata bago naiinis na tumingin sa binatang nasa tabi niya. “If it’s something nonsense, then don’t bother. I’m not in the mood today for you to annoy, so let me sleep.”
BINABASA MO ANG
Scars of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟮 | Scars of Chaos 𝘐𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘢𝘵𝘵𝘭𝘦𝘧𝘪𝘦𝘭𝘥... It's been a year since that day happened-the day when the Phantom Queen appeared right before them. That was also the day when they lost everything. ...
