“Actually, I don’t know anything about Atlantis,” sagot ni Lemon nang tanungin siya ni Nath tungkol doon. “Maraming theory tungkol sa atlantis, at kahit ako ay nalilito rin. Try reading some books about Atlantis, sigurado akong maguguluhan ka dahil sa rami ng theories.”
Nakikinig lamang ako sa kanila, palagi naman, eh.
Maingat naming nilangoy ang patungo sa gusali na nasa pinakagitnang bahagi ng lugar. Hinanda namin ang aming mga sarili at mas lalo pang umalerto, dahil hindi namin alam kung anong nilalang ang nakatira sa gusaling iyon. Maaari ring basta-basta na lang kaming sugurin ng iba pang halimaw na nasa dagat kaya doble ingat kami.
Sa tuwing nararamdaman ko ang bawat paghinga ng nilalang na iyon ay tumitindig ang mga buhok ko sa katawan, nararamdaman ko rin ang pag-daloy ng dugo niyon sa kaniyang katawan, at alam ko kung gaano iyon kalaki. But aside from feeling nervous and scared, I also feel something else, but I just can’t name it.
Palapit ng palapit kami sa gusali kaya mas lalo kong naramdaman ang malakas na mahika kasama ang nilalang na iyon. I slowly swallowed the lump on my throat when we finally entered the entrance of the said building.
Madilim sa loob pero dahil mayroon kaming night vision ay malinaw kong nakikita ang kabuuhan ng lugar. Maraming nakakalat na antiques na gamit sa buong lugar, ang mga wasak na gamit at maliliit na statues ay nakakalat lamang sa sahig ng gusaling ito.
Simula nang makapasok kami sa loob ay walang nagtangkang magsalita sa amin. Tahimik lamang kaming lumalangoy sa loob ng gusali habang nakahanda at nakaalerto ang aming sarili.
Napalingon agad ako sa kanan at tinignan ng maigi ang hallway nang may narinig akong kaluskos mula roon, pero wala naman akong nakitang kakaiba. Ibinalik ko ang aking tingin sa harapan dahil parang may naramdaman akong gumalaw doon at nararamdaman ko rin mula roon ang malakas na mahika.
Madilim ang nasa unahan namin at mukhang kakailanganin ko pang lumapit doon para mas makita ko ng maigi kung anong mayroon sa bahagi ng gusaling iyon. Dahan-dahan akong lumangoy papalapit doon at hinayaan ang mga kasama kong abala pa sa pagmamasid-masid sa paligid.
Maingat ang mga galaw ko saka sinigurado kong wala akong masasagi na gamit.
Habang palapit ng palapit ako sa bahaging iyon ay unti-unting bumibilis ang pintig ng puso ko at kahit nasa ilalim pa ako ng dagat ay parang nararamdaman ko ang pawis na dumadaloy sa ulo ko pababa sa panga ko.
Naramdaman ko namang sumunod na sa akin ang mga kasama ko pero hindi ko na sila nilingon pa dahil nakatuon ang buo kong atensyon sa harapan ko ngayon.
May narinig akong kaluskos ngunit noong akma ko iyong titignan ay napatigil na lamang ako saka dahan-dahang inangat ang ulo ko upang salubungin ang mga mata ng nilalang na nasa harapan ko ngayon. Tila nanigas at tumigil ang paghinga ko nang makita kung anong klaseng nilalang ang nasa harapan ko.
Ilang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin kaya natitiyak kong wala lang silbi kung lalangoy ako ng mabilis palayo sa gusaling ito dahil paniguradong bago ko iyon magagawa ay kakainin na ako nito.
My breathing deepen when the creature let out a heavy breath in front of me. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumikit dahil sa mga bulang lumabas sa ilong niya matapos siyang huminga ng malakas.
“Sea Serpent…” Nanlaki na lang ang mga mata ko nang narinig kong bumulong si Lemon. “An aquatic creature that lives in the depths of the ocean. Reaching over a hundred feet long with a horse-like head and snake-like body.”
At nagawa pa niyang magpaliwanag?!
Hindi gumalaw ang serpent at nanatiling nakatingin sa akin dahilan kung bakit mas lalo akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
Scars of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟮 | Scars of Chaos 𝘐𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘢𝘵𝘵𝘭𝘦𝘧𝘪𝘦𝘭𝘥... It's been a year since that day happened-the day when the Phantom Queen appeared right before them. That was also the day when they lost everything. ...