Chapter 22 | The Winds Of Peace

580 38 32
                                    

“Bakit niyo naman nasabi na ang lumang templo na ito ay ang Templum Supra?” Rain then asked as she wandered around, not giving a glace on her friends.

“Simple…” Nath smirked as he continued, “As you can see, there are some forgotten language on top of the entrance of this place, which means, matagal na ang templong ito. Simula noong nakita ko ang lengguwaheng iyon ay may konklusyon na ako. And as I look around and found that round table…” Sunod namang itinuro ni Nath ang mesang yari sa ginto na nasa tabi ni Lemon. “By the looks of it, I can tell that that is where the gems are placed a long time ago.”

“Oh, we have the same brain,” said Lemon with a smirk on her face.

“Diba dapat nasa taas ito?” Nakakunot ang noo ni Winter habang pinagmamasdan ang lugar. “At paano mo naman nalaman na ito nga ‘yong templong sinabi sa atin ng reyna?”

“Nakikinig ka ba talaga sa reyna, Winter?” Angel rolled her eyes. “According to the queen, the temple fell because of the Mystic War that happened a thousand years ago. Do you even have a brain to understand that?”

“Aba, siyempre! Baka ‘yang kapatid mo ang wala.” Winter scoffed.

“Ba’t na naman ako nasali?” Nath asked innocently.

“Okay, that’s enough,” singit ni Nix saka lumapit kay Lemon para tignan ng mabuti ang pabilog na mesa. “Dito nakalagay dati ‘yong apat na gems, diba?”

“Yes. Naghiwalay sila dahil sa digmaang naganap noon,” Lemon said in a serious tone. “And the dots are connected! Nagkahiwa-hiwalay siguro ang mga gems dahil nahulog ang templong eto, at bago pa man tuluyan na mahulog ang mga gems sa lupa ay nakuha na ito ng elemental dragons habang nawawasak pa rin ang templo. I’m not sure of my theory but we can just stick to it for a while.”

Tumango-tango naman si Nath sa sinabi ni Lemon at saka niya iyon dinagdagan, “And then, after the disaster had happened, maybe the four elemental dragons just decided to hide it separately so that no one can come closer to it… until they vanished.”

“So, bakit napunta kay Ames ang Gem of Life?” mahinahong tanong ni Rain bago niya binaba ang kaniyang tingin sa sahig ng temple.

“About that… I have no idea.” Bumuntong-hininga naman si Nath saka umiling. “Puwede rin naman nating tanungin ang seahorse na ‘yon kung bakit napunta sa kaniya ang gem.”

At ng dahil do’n ay pinukulan siya ni Rain ng masamang tingin. “Ames is not a seahorse, gago!”

Napatawa naman ng mahina si Nath. “Oh, is that so?”

Napatango na lang si Nix sa sinabi ng dalawa matapos niyang pag-isipan ang tungkol sa templong ito, saka sunod na tinignan niya ang isang hugis rektanggulo na parang kahon na gawa sa bato na nasa likod lang ng pabilog na mesa. Wala sa sarili siyang lumapit doon habang nagsasalubong ang kilay, nang makalapit ay pinaglandas niya ang kaniyang kamay sa maalikabok na kahong iyon.

Naramdaman niyang may tumabi sa kaniya pero hindi niya iyon pinansin dahil nakatuon lamang ang kaniyang atensyon sa kahong nasa harapan niya. May kalakihan rin ang kahon na puwede kang humiga roon. Actually, it is like a coffin.

“This thing is weird.” He heard Sky whispered.

Hindi niya ito sinagot dahil nakatuon lamang ang atensyon niya sa bagay na nasa harap nila ngayon. Tinulak niya ng dahan-dahan ang takip nito habang magkasalubong ang kilay, nagtatakha siya kung ano ang nasa loob nito pero mas nangingibabaw ang kabang nararamdaman niya.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon