Chapter 16 | When Emotions Took Over

890 54 54
                                        

Matapos nilang nag-kuwentuhan ay bumalik na ang iba sa mansion at nagpa-iwan naman si Sky at Trisha. Sandali silang nanatili roon at nag-kuwentuhan bago sila bumalik saka sumunod sa mga kaibigan nila. Pagkarating nilang dalawa ay naabutan nila sa living room ng bahay ang mga kaibigan nila kasama ang pinuno at mukhang seryoso ang pinag-uusapan.

Nang napansin ni Trisha na wala roon ang kapatid ni Sky ay nakahinga siya ng maluwag. Buti na lang at wala ‘yong ulap na ‘yon dito.

Ang mga kaibigan nila ay nakapalibot sa isang may kalakihang table at saka may nakita silang mapa na nakalatag sa mesa. Mayroong nakapatong na mga maliliit na flags na may iba’t ibang kulay sa mapa; May asul, pula, puti, berde, at itim.

Agad namang lumapit sa kanila si Trisha at Sky.

“What are you doing?” singit ni Sky habang nakakunot ang nuo at nakatuon ang mga mata sa mapa.

Inilagay ng ama niya ang kulay puting flag sa isang bahagi ng mapa na may nakasulat na ‘West’ bago sumagot, “We’re trying to plot the war.”

“This is the map of Everglan, malapit ang lugar na ito sa palasyo. According to the letter that the Phantom Queen sent us, dito gaganapin ang digmaan.” Lemon tilted her head as she squinted her eyes, trying to read the map.

Napatango si Trisha sa narinig saka niya sinuri ang mapa. May tatlong talampas ang nasa mapa, magkahiwa-hiwalay ito at may malaking space sa ibaba nito. Ang isang talampas ay nasa kanlurang bahagi ng mapa, ang isa naman ay nasa silangang bahagi, at ang isang talampas ay nasa gitna ng dalawang talampas. It’s indeed a perfect place for the upcoming war.

Nilingon sila ni Angel saka ngumiti. “You can go to your rooms and rest, kami na ni Lemon ang bahala rito.”

“Are you sure?” pag-tatanong ni Nath at sabay na tumango si Angel at Lemon bilang sagot.

At dahil do’n ay sabay-sabay na silang nag-tungo sa ikalawang palapag ng mansion nila Sky, maliban na lang kay Trisha na lumabas para raw hanapin si Luna. Ang mga lalaki naman ay pumasok sa kuwarto ni Sky na kung saan silang mga lalaki na pansamantalang tutuloy. Habang si Musa at si Rain naman ay nag-tungo sa kuwarto ng mga babae. Bale mag-kaharap lang ang kuwarto nila kaya kapag may mangyari ay madali silang makakapagsama.

Nang makapasok si Rain sa kuwarto ay agad siyang humiga sa isang kama. She quietly stared at the white ceiling. Habang nakatingala sa itaas ay bigla na lang niyang naalala ang mga nakita niya noong nasa ilalim pa siya ng ilog.

Paano kung tama ang sinabi ni Nath? Paano kung ama niya nga ang tumulong sa ina ko? Marami pang katanungan ang gumugulo sa kaniyang isipan at sa sobrang dami no’n ay nakakaramdam na siya ng kirot sa ulo. She didn’t move an inch even if her head is starting to ache, she just heavily sighed and stayed there unmoving.

Napatingin sa kaniya si Musa nang marinig nito ang malakas na pagbuntong-hininga niya. Dahil sa pag-aalala ay dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa tabi ni Rain. Tinitigan niya ang dalaga at napansing malalim ang iniisip nito, ni hindi man lang siya nito nilingon o nag-salita noong lumapit na siya.

“Rain…” tawag ni Musa sa dalaga at doon lang siya nito nilingon.

“You called?”

“Hindi ko muna sinabi sa kanila ang mga nakita ko dahil baka magalit ka sa akin.” Tumigil si Musa sa pag-lalaro sa kaniyang palda at saka pinasadahan si Rain ng tingin nang may tipid na ngiti sa kaniyang mukha. “Gusto mo bang malaman?”

Nag-dalawang isip pa si Rain kung gusto niya bang malaman o kung hahayaan na lang ba niya na siya ang makaalam gamit ang kapangyarihan niya. After battling between the two, one finally won, and that is to hear what Musa saw. She deserves to know after all, because she is the daughter.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon