Chapter 19 | Her Melody

624 39 90
                                    

Third Person’s Point Of View
___

“Would you like to hear me sing?”

“Uh… the last time you asked me that, it really didn’t go well.” Naningkit ang mga matang tumingin si Rain kay Musa matapos niya iyong sabihin.

Musa chuckled when she remembered that moment. “No. This one is different, trust me.”

“At may gana ka pang kumanta ngayong nasa panganib ang mga buhay natin?” Kumunot ang nuo ni Zen pero napatigil rin siya nang biglang tinampal ni Nath ang balikat niya bago siya nito sinamaan ng tingin.

“Sing,” malamig na utos ni Nix bago nito ipinikit ang mga mata at saka sumandal sa bars ng kulungan.

Trisha saw how Musa smiled slightly before closing her eyes. It made her feel relieved. Trisha doesn’t want to see her friends hurt or in pain, she always wanted their smiles every day. Hoping that it’ll not fade forever.

“Flower, gleam and glow
Let your power shine…”

Napakunot ang nuo si Trisha nang nag-simula ng kumanta si Musa, dahil napapansin niya na unti-unting may nabubuong liwanag mula sa katawan ng dalaga.

“Make the clock reverse
Bring back what once was mine…”

Nahugot na lamang nila ang kanilang mga hininga nang iminulat ng dalaga ang kaniyang mga mata at nakitang umiilaw iyon. May nakapaligid sa dalaga na kulay-lilang mahika, at napansin rin nila na parang wala sa sariling kumakanta si Musa.

“Whoa! Look at her violet eyes, it’s glowing!” manghang bulong ni Zen. “Even her hair is glowing and floating. Cool—“

“Shhh!” Trisha shushed him, kaya napatikom siya ng bibig.

“Heal what has been hurt
Change the Fate’s design…”

Mas lalong kumunot ang nuo ni Trisha nang mapansing umiilaw ang mga sugat at galos nilang lahat. Mukhang nag-takha rin sila Angel ngunit walang sino mang nag-balak na mag-salita tungkol do’n. Kahit ang mga galos at sugat ng walang malay na si Lemon ay umiilaw rin.

Alam ni Trisha kung anong uri ng mahika ang ginagamit ni Musa ngayon pero hindi na siya muna nag-komento. Nagta-takha siya kung bakit may ganitong mahika si Musa. Oo nga’t alam niyang sa pamamagitan ng pag-kanta ang mahika ni Musa at Physical Ability, pero hindi naman niya ito inaasahan.

“Save what has been lost
Bring back what once was mine
What once was mine.”

Unti-unting nawala ang liwanag sa mga mata ni Musa nang matapos na siyang kumanta, kasabay no’n ay ang pag-laho ng liwanag sa kanilang mga sugat. Laking gulat nila nang tumambad sa kanila ang maaliwas na mga balat nila, wala na niisang galos o sugat lang man sa kanilang mga katawan.

“You healed us by just singing!” manghang sabi ni Winter habang nagniningning ang mga matang nakatingin sa dalaga. “I’m impressed!”

Maaliwas ang kanilang mga katawan at hindi halatang nasugatan sila. Habang naman nakatingin siya sa mga kaibigan niya ay nakaguhit ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

“I-I’m speeshles.” Sinuri ni Zen ang kaniyang kamay upang siguraduhing wala na ba iyong sugat na naiwan, at wala naman siyang nakita.

“Hi, Speechless.” Kumaway sa kaniya si Nath at saka ngumiting aso. “I’m Nath.”

“Oh, shut the fuck up, Nath.” Winter rolled his eyes as he looked at Musa with admiration written on his face. “Can I be your darling instead of Nix?”

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon