Chapter 23 | A Time To Rest

601 45 140
                                    

Rain’s Point Of View
___

“I’m tired!” Ininat ko ang mga braso ko dahil nararamdaman kong sumasakit ‘yon at namamanhid na. Sigurado akong gabi na, hindi pa ba tayo bababa muna para mag-pahinga?”

“Oo nga,” pagsang-ayon ni Trisha sa akin habang nakanguso siya. “Naaawa na ako sa mga pets natin, baka kasi pagod na rin sila.”

Kanina pa kasi kami lumilipad sa ere, eh. Mukhang wala atang balak na magpahinga ‘yong mga kasama ko, pero nahahalata ko rin naman na pagod na rin sila at inaantok na. Wala na kami ngayon sa disyerto, siguradong-sigurado ako dahil marami na akong nakikitang mga puno sa ibaba namin, at saka mahigit na tatlong oras na rin kaming naglalakbay. Kaya naman kahit hindi sabihin ng mga alaga namin ay nararamdaman ko namang pagod na rin sila sa kakalipad, at isa pa ay ang bibigat pa namin.

“Hindi pa tayo nakakarating sa Ignis Tribus,” sabi ni Lemon habang sinusuri ‘yong mapa na hindi ko naman maintindihan, at wala na akong balak intindihin iyon. Marami kasi akong nakikitang mga linya pati mga hugis sa mapa, may mga salita rin pero hindi naman pamilyar sa akin.

“Gising na ba si Sky?” Rinig kong tanong ni Nix na nasa likod namin lang.

Oo nga pala. Nahimatay pala si Sky, muntik ko ng makalimutan sa sobrang pagod. Nakita kong lumingon sa amin si Nath na nasa gilid lang namin at nakasakay kay sunny, ‘yong Hippogriff. Sa totoo niyan ay si Trisha ang nagbigay ng pangalan sa nilalang na ‘yan kasi naaawa raw siya. Wala rin naman kaming magawa kundi ang sumang-ayon, para naman hindi na mag-ingay si Trisha.

“Hindi pa,” sagot ni Nath saka binalingan si Sky na nakahiga sa kandungan niya. “Sarap na sarap, oh. Humihilik pa ang gago.”

“Hayaan mo na, baka epekto ‘yan ng gem,” sabi pa ni Musa na kasalukuyang nasa tabi ko.

Buhat-buhat kasi kaming dalawa ni Angel, ewan ko ba kung paano nakaya ni Angel na magbuhat ng dalawang katao ng tatlong oras. I’m sure that she’s tired. “Pahinga muna tayo, please,” I suggested.

“I agree.” Napatingala ako nang biglang magsalita si Angel. “I can’t take this anymore! Nangangalay na ang dalawang kamay ko.”

“Sige-sige, magpahinga muna tayo.” Musa sighed before looking at Angel with a worried face. “Let’s get down and find a place to sleep.”

“Rainy, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakaya niyong bumitin sa ere ng tatlong oras,” nanlalaki ang mga matang saad ni Trisha habang nakatingin sa aming dalawa ni Musa.

“Buti nga nakaya ko pa. Eh, hetong katabi ko nga halos mapaihi na sa takot.” Sinundan ko naman iyon ng mahinang tawa para naman malaman nila na nagbibiro lang ako.

“Hala, totoo?” hindi makapaniwalang tanong ni Nath saka siya tumawa. “Nix bro, nakalimutan kong takot pala ‘yang kasintahan mo sa matataas.”

Napangisi na lamang ako matapos ko iyong marinig. Imbes kasi na magalit si Musa sa sinabi ni Nath ay mas lalo pa itong tumahimik at hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pamumula ng kaniyang magkabilang pisnge. Maybe it’s the word Kasintahan that triggered her heart.

“P-Parang n-naman kayong t-tanga.” I almost laughed when I heard how Musa stuttered after she overcome that oh so called ‘kilig’ or whatever.

“Oh, kita mo!” Tumawa pa si Nath ng malakas bago niya binigyan ng nakakaasar na ngisi ang nakangiwing si Nix. “Kinilig pa!”

“Nathaniel!”

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon