Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang may naramdaman akong yumuyugyog sa akin. Nang maayos na ang paningin ko ay nakita ko si Nath na siyang yumugyog sa akin habang may ngiti sa kaniyang mukha at nakatingin sa akin.
Mabilis akong bumangon ngunit imbes na malamig na tubig ang maramdaman ko ay ang malakas na simoy ng hangin ang tumama sa balat ko. Luminga-linga ako sa paligid at saka napagtanto na nasa likod pala kami ngayon ni Ames at ang kalahati niyang katawan ay nasa ilalim ng tubig habang ang likod at ang ulo niya naman ay nasa labas ng dagat.
“Ayos ka lang ba?” Inayos ni Nath ang nagulo kong buhok na ngayon ay tuyo na. Mukhang kanina pa kami nakaahon.
“I think so,” I answered while nodding slowly.
Napansin kong bumalik na kaming lahat sa dati naming anyo at si Liyah na lang ang may buntot sa amin. Isa-isa kong sinuri ang mga kalagayan ng mga kaibigan ko bago nakahinga ng maluwag nang makitang ayos naman silang lahat. Good.
“Saan tayo pupunta?”
Winter looked at me with a sweet smile on his face. “We’re going home, Rain.”
Nagtatakha man ay napailing na lamang ako saka ko tinignan si Liyah na nasa tabi ko lang. Sinusuklay-suklay niya ang buhok ni Trisha na nakahiga at ginawang unan ang buntot niya. Mahimbing itong natutulog at mukhang napagod talaga sa paglalakbay namin.
“Thank you.”
Kumunot ang nuo ni Liyah bago niya ako nilingon nang may pagtatakhang ekspresyon. “For what?”
“For helping us.” I slightly smiled at her.
“It’s nothing. It is the least I can do for you, Blue Dragon.”
“Please, call me Rain,” I stated. “I’m sure, the King of the Mermaids will be proud of you if he’ll know about this…” Umiwas ako ng tingin saka tinignan ang kabuuhan ng Aquam. “Your Father will surely be proud of you.”
Malayo-layo pa kami sa Aquam kaya naman makikita mula rito ang kabuuhan nito. Ang tatlong bundok, ang mga kabahayan, at ang barrier na nakapalibot sa buong tribo ay makikita mula rito sa aming puwesto.
I felt her stilled for a second. “W-What?”
I then looked at her with a smile on my lips. Hindi ko alam kung bakit alam ko ang tunay na pagkatao niya, pero noong una ko siyang nakita ay may sumagi sa isip kong mga larawan na tungkol sa kaniya, kaya naman siya ang nilapitan ko para magpatulong. The image of her when she was a child flashed onto my mind repeatedly. Maybe it’s the Blue Dragon’s memories.
“Thank you for accompanying us, Princess Aliyah.”
Nang makauwi kami ay nataranta at natakot ang mga mamayan sa Aquam nang makita nila si Ames, pero napakalma rin naman sila agad ng kanilang pinuno matapos naming sabihin na kasama namin si Ames at mabait ito. Namangha pa nga ako dahil noong pagbaba namin mula kay Ames ay bago ko lang napagtanto na mas malaki pala siya kaysa sa Aquam.
We bid a goodbye to Ames and he told me that he will always be on my side and will show up if ever I called for him. That actually made me smiled. Sunod kaming nagpaalam kay Liyah, pero bago pa siya makaalis ay binigyan muna siya ng pinuno ng isang munting regalo bilang pasasalamat sa pagtulong niya sa amin.
And now, we’re celebrating. Hindi ko nga alam kung bakit pa kailangan mag-diwang, wala naman rin kaming magawa dahil kagustuhan ito ng ama ni Winter kaya umo-oo na lamang kami.
Nasa veranda ako ng bahay ni Chief Frost ngayon at tinatanaw ang mga kaibigan kong kasalukuyang nakapalibot sa bonfire saka masayang kumakain at nagkakantahan. Kaya lang naman ako naririto ngayon sa veranda ay sa kadahilanang gusto kong mapag-isa at saka pagmasdan ang mga kaibigan kong nagsisiya mula sa malayo.
BINABASA MO ANG
Scars of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟮 | Scars of Chaos 𝘐𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘢𝘵𝘵𝘭𝘦𝘧𝘪𝘦𝘭𝘥... It's been a year since that day happened-the day when the Phantom Queen appeared right before them. That was also the day when they lost everything. ...