Chapter 41 | Touch of Fire

741 37 106
                                    

Rain’s Point Of View
___

“I-I tried, but I saw…” I gulped when I felt her stare deepen. “Nothing,” I continued before leaving without looking at her.

Balak ko naman siyang sagutin ng maayos pero nang tumigil ang tingin ko sa kaniyang mga mata ay napaurong ang dila ko. She seemed different. I noticed that her eyes blazed like fire when she asked me those questions, it is filled with anger and is shouting an emotion that I didn’t expect her to have. Masyado itong mapanganib kaya nang hindi ko kinaya ang tensyong dulot niyon ay umalis na ako.

Kung ano man ang binabalak niya ay kailangan niya iyong itigil dahil sigurado akong maraming mapapahamak at maging ang kaniyang sarili ay madadamay. I sighed. Even though we’re a team, there are still things that we don’t know about each other. Our friendship is not that deep for us to tell our secrets and the things that are bothering us. The only thing that bind us all is respect and care.

Hindi pa ako nakakalayo mula sa punong pinanggalingan ko ay namataan ko na si Zeno na papunta sa aking direksyon. His eyes are glowing in the dark, like a cat, as he walks closer to me. A cheeky smile then appeared on his face and he waved at me.

“Saan punta mo, Rain?” tanong niya sa akin nang makalapit.

Napairap na lamang ako dahil sa tinawag niya sa akin. After knowing his age, gusto ko tuloy na tawagin niya akong ‘ate’ para maganda naman pakinggan kaso noong sinabi ko sa kaniya ‘yon ay dapat pa daw bayaran ko siya. Kapal naman ng mukha ng kutong dagat na ‘to.

“Call me ‘ate’, kiddo,” paalala ko sa kaniyang muli bago umirap. “To the river… oh, and did you see Musa on your way here?” Isa pa ‘tong babae na ‘to. Naakit na naman ni Nix kaya nakalimutan ng bumalik.

Napailing na lang ako.

He shook his head with his lips slightly pouting. “No, but I saw Trisha running around like a little kid. Maybe she’s playing hide and seek with Sky. Tss. ‘Di man lang ako pinansin noong tinawag ko siya… I mean, how dare her ignore a handsome pirate like me!”

“Hindi lang pala si Sky ang kayang kumontrol ng hangin,” pang-aasar ko at ngumisi sa kaniya. “Special talent mo ba ‘yan?”

“May talent din akong maghagis ng tao sa dagat baka sakaling interested ka,” he said that made me raised my eyebrow. “Napaka-talented ko, ‘no?” Ngumisi siya pabalik at saka nilagpasan na ako. “Anyways, see ‘ya around, mate.”

“Again. It’s ‘ate’ for you, mate.” Bahagya ko pang ginaya ang tono niya sa ‘mate’. May pagka-arte rin kasi ang accent niya, bagay na bagay sa itsura niyang mukhang may lahing mula sa hilaga.

“I can call you that, however, payment is a must.” Napangiwi ako nang kinindatan niya ako.

Napa-iling na lamang ako at itinuloy ang aking paglalakad papunta sa ilog. May Winter na nga kami na sobrang hangin tapos may dumagdag pang isa. Si Sky nga na kayang manipulahin ang hangin ay nananahimik lang, mahiya naman sila. Paano kami makaka-survive sa hamong ito nang hindi nalilipad ng hangin? Mag-best friend pa naman ang dalawang iyon.

Napabuntong-hininga ako. Naii-stress ang kagandahan ko.”

Tumingala ako sa itaas at tinanaw ang kalangitang unti-unting napupuno ng mga bituin. Halos magliwanag ang gabi dahil sa mga kislap nito. My eyes then stared at the only one that is silently watching us during the night, the one who listens to us and knows a lot of secrets. The only one that we can trust in this world… the moon.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon