Chapter 14

15.5K 313 9
                                    


Chapter 14
***

Nagising ako ng may tumama na sinag ng araw sa mga mata ko. Mahina akong napaungol at umayos ng higa dahil nakatagilid ako.

Tinatamad pa akong bumangon kaya hindi ko dinilat ang mga mata at hinahatak agad ng antok ng may mabigat na dumagan sakin.

"Wake up now, wife. Bago pa mag bago ang isip ko na sumama ka ulit sa pagtitinda." Bulong ni Rhys kaya maliit akong napangiti habang hindi parin dumidilat dahil rinig ang disgusto dun.

Hindi parin maka move on si Rhys sa paghalik ni ken sakin sa pisngi pero para sakin kung hindi nag selos si Rhys dahil dun at hindi kami nahuli baka hindi namin nalaman na nakatadhana kami.

"Gising na po." Sagot ko sakanya at dahan dahan ng dumilat. Agad na nag angat ng tingin si Rhys sakin at nakasimangot parin sya.

Ayaw nya talaga akong payagan.

Hinimas ko nalang ang buhok ni Rhys para hindi na sya sumimangot. Pumikit si Rhys at madiin akong tinignan kaya namangha ako sa sobrang hot ng asawa ko.

"Stop patting me. It's morning.." sabi ni Rhys at puno ng ibig sabihin akong tinignan kaya mabilis akong tumigil sa pag himas sa buhok nya ng maintindihan.

Napangisi nalang si Rhys at umiling bago bumangon kasama ako. Himala na nakasuot parin ako ng damit ko pagkagising ko.

"I cooked you breakfast." Aniya at inabot ang tray sa may side nya at napangiti ako sa sigurado akong sobrang sarap na breakfast na gawa nya.

Nilapag nya yun sa harap ko at mas natakam ako. Inayos ni Rhys ang pagkain at kubyertos sa harap ko bago nag angat ng tingin sakin.

"Want me to feed you?" Tanong nya kaya mabilis akong umiling kahit na kinilig. Kaya ko naman.

"Kumain ka na?" Tanong ko kay Rhys at inabot na ang kutsara at tinidor.

"Hmm-mn." Sagot nya lang habang humihiga sa tabi ko at binuhay ang malaking TV. Mabilis kong sinubo ang bacon at tumigil sa pag nguya ng mapansin ang scrambled eggs at sumubo din.

"Maaga akong nagising at nag luto agad dahil madaming pumapasok sa isip ko na gawin habang Pinapanuod kang matulog." Sabi ni Rhys kaya mahina akong napaubo.

Agad na bumangon si Rhys at inabot sakin ang gatas ko. Matapos ang kasal namin ni Rhys, ilang araw nya din akong hindi tinigilan at buti nalang din pangatlong araw na syang nag titiis dahil sobrang hapdi talaga.

Namula ang pisngi ko ng maalala ang pag alalay sakin ni Rhys nun kahit sa pag ihi.

Nang matapos akong uminom, pinunasan ni Rhys ang labi ko at nilagay sa likod ko ang mahaba kong buhok. "Does it still hurt?" Tanong ni Rhys habang madiin na nakatingin sakin.

Mas namula ang pisngi ko at malakas lang syang siniko. Mahinang napaungol si Rhys dahil sa ginawa ko at tumawa.

"Fine. Just let me feed you, wife." Aniya at inagaw sakin ang kutsara at mas nilapit ako sakanya.

Magkatabi kami ngayon ni Rhys habang nakaupo sa mahabang lamesa kung saan salo salong nag aagahan ang mga tiga isla.

Simula ng ikasal kami ni Rhys, palipat lipat kami. Minsan sa hotel at minsan dito sa isla. Pinag iisipan pa kasi namin ang magiging bahay namin dito sa isla.

Ngayon naman, Pinilit ko si Rhys na sumama sa pagtitinda sa tiangge dahil ngayon ang dating ng mga damit na ako mismo ang pumili.

"Ano ba yan, cristiana." Rinig kong natatawang sabi ni lola josefina kaya napatingin ako sa gawi nila at nakita kong natapon pala ang lugaw na si Rhys mismo ang nagluto ni lola cristiana.

LUST [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon