Chapter 2

27.9K 490 27
                                    


Chapter 2
***

Nakatulala ako habang Wala sa sarili na tinutulungan sila Juris na mag ayos ng tinapay na ititinda namin ngayon. Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kahapon. Ang maganda nyang katawan.

"Mas maaga tayong uuwi ngayon Hindi Gaya ng kahapon." Rinig Kong Sabi ni Juris Kaya nakakunot nuo ko syang tinignan.

"Bakit naman?" Naguguluhan Kong tanong. Unti lang ba ang paninda namin ngayon?

Gulat nila akong tatlo na tinignan. "Diwata, nakalimutan mo ba na kaarawan ngayon ni Lola Trinidad?" Gulat na tanong ni Sandy sakin.

Natigilan ako dahil sa sinabi nya. Bakit ko nakalimutan Yun? Vana, kakaisip mo Yun sa lalaki na Yun! Kaya siguro pinapalayo ako ni mama sa mga lalaki dahil Masama sila para sa mga babae.

"H-hindi. May naisip lang ako kaya nakalimutan ko saglit." Palusot ko para Hindi sila mag taka.

Napahinga ako ng malalim. Bakit ko makakalimutan si Lola Trinidad? Sya ang unang pinuno ng Isla at sya ang nag sabing nakatakda ako bilang taga pangalaga ng isla na to. Diwata ng Isla na ito.

"Taralets na?" Tanong ni Toni habang dala na ang ibang paninda. Tumango kaming lahat at kinuha ko na ang mga tinapay na paninda.

Nakita ko ang hopia sa paninda namin at naisip ulit ang lalaki na Yun. Napakunot ang nuo ko. Hindi ko pa Alam ang pangalan nya.

Napailing ako. Hindi ko na dapat malaman pa. Pero tinapay lang binigay ko sakanya kahapon at tanghali na. Siguradong gutom na sya.

"Diwata Vana?" Tanong ni Juris sakin at nakalayo na pala sila. Napahinga ako ng malalim. Siguro pag uwi nalang namin. Maaga naman kaming uuwi at madaming pagkain mamaya.

Sumunod na ako kila Juris at lumabas na kami sa tarangkahan ng Isla. Nag hintay kami ng dadaan na sasakyan at may ilang tumanggi muna samin bago kami nakasakay na.

At Gaya ng kahapon ay tingin ulit ng tingin sakin ang driver. Nag bayad na si Toni sa driver at bumaba na kami.

Natakot ako ng matagal muna akong tinignan ng driver bago pinaandar na ang sasakyan palayo.

"Ayan na ang mga kulto! Siguro ginayuma ng diwata nyo ang kawawang driver na Yun." Paratang ni Rica at malakas na tumawa.

"Hindi na kaylangan ng Diwata namin ng gayuma dahil sa ganda nya palang lahat na mahuhulog! Hindi Gaya mo na ipalagok pa ng ilang drum ng gayuma hindi parin mahuhulog sayo!" Sagot ni Toni sakanya at tumawa sila ni Sandy.

"Tama na Yan." Saway ko sakanila at tumahimik naman sila at ganun din si Rica na matalim ng nakatingin samin.

"Mag ayos na tayo. Maaga pa tayong uuwi at tutulong sa Isla." Sabi ni Juris at nag umpisa na kaming mag ayos ng paninda.

Sila ang nag ayos ng mga damit habang ako naman ay sa mga tinapay sa harap ng tindahan.

"Ang aga naman ni lover boy." Sabi ni Toni Kaya napaangat ako ng tingin sa papalapit samin na si Ken kasama ang  dalawa nyang kaibigan.

"Pre, ang ganda. sigurado ka bang pinayagan Kang manligaw nyan?" Tanong sakanya ng Isa nyang kaibigan.

Siniko lang sya ni Ken at nginitian ako. "kakatapos lang namin sa training at bumili kami ng maiinom. Naisip ko na magandang pang partner ang tinda nyong tinapay." Nakangiti nyang sabi sakin.

Tumango ako at iaalok na Sana ang tinda namin ng mag salita si Rica. "Naku, wag kayong bumili dyan! Nilalagyan nyan ng gayuma ang mga tinapay nila!" Paratang ulit ni Rica samin.

LUST [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon