Chapter 18
***Pinanuod kong batiin ni Lila si papa at ang asawa nito at bineso. Bumaba din sya para pantayan ang dalawang batang anak ni papa na babae at lalaki at saglit na nilaro ang mga ito.
Maliit akong napangiti at nag angat ng tingin at nagulat ako ng nakatingin pala si papa sakin. Gulat sya ng makita ako siguro dahil hindi nya inaasahan na makita ako dito.
Nginitian ko nalang sya. Hindi ako galit kay papa. Masaya pa nga ako na makita sya. Hindi ako galit dahil siguro bata pa lang ako alam ko ng aksidente lang akong nabuo at malabong maging buo kaming pamilya.
Okay lang din sakin ng mag asawa si papa.. hindi ko alam kung tanggap ba talaga ni mama pero wala akong kinimkim na galit sakanya.
Pero ayaw ko syang makausap. Gusto ko lang kung paano ang ngayon.. na hindi alam ng karamihan na anak nya ako. Pero kung gusto nya akong kamustahin kung bakit ako nandito, okay lang din sakin kung papayag ang asawa nya na makipag kita sya sakin.
"Ladies and gentlemen, please take your seat. The auction is about to begin.." sabi ng MC at inalalayan ako ni Rhys maglakad papunta sa magiging table namin kasama ang parents ni Rhys.
Nakinig ako sa MC habang naglalakad at mapupunta sa donation ang lahat ng magiging pera.
Pinag hatak ako ni Rhys ng upuan at inalalayan akong umupo. "Thank you, Mr. Luster." Mahina kong pang aasar kay Rhys kaya napangisi sya at umupo na sa tabi ko.
Nag umpisa na ang auction at mamahaling alak agad ang pinag aagawan. At nag enjoy ako at namangha sa malalaking pera na binabanggit nila habang nag seserve naman ng snacks kada table ang mga waiter.
"Going once? Going twice?.. Sold!" Sabi ng MC at isa ako sa napapalakpak.
"Bakit sila gagastos ng ganong kalaking halaga para sa isang maiinom?" Mahina kong tanong kay Rhys.
Mahinang natawa si Rhys. "That's for they're collection." Sabi ni Rhys pero hindi ko parin maintindihan. Sobrang laking halaga? Pero napakibit balikat nalang ako dahil mapupunta naman yun sa donation.
Naging sunod sunod pa ang ino-auction at tuwang tuwa ako. Ganun din ang mama ni Rhys at masaya kaming nagkakatinginan.
"Before, Auction is actually boring. Pero ngayon, ang panuodin kang masaya. It's actually not that bad." Sabi ni Rhys kaya napatingin ako sakanya at masaya nya akong nginitian.
Tumibok ng mabilis ang puso ko at inabot ko ang kamay nya at pinag salikop ang mga kamay namin.
"Mahal kita, Rhys." Minsan ko lang sabihin sakanya kaya nakita kong saglit na natigilan si Rhys.
"God. Mahal na mahal kita, Vana." Puno ng pag mamahal nyang sabi ng makabawi at hinalikan ang likod ng palad ko na hawak nya.
"Sold to lady in black!"
Bumalik na ulit kami ni Rhys sa panunuod pero mas ramdam ko ang mas pagiging magkadikit namin.
"Next is Blue sapphire and diamond necklace." Pakilala ng MC at nilabas ang naka glass pa na kumikinang sa ganda na necklace.
Nag tagal ang tingin ko sa asul na asul na dyamante at saglit akong nabalik sa isla ng maalala ang asul na tubig sa dagat.
"This is one of the most expensive necklace in the world. Bidding starts at 50 million." Pakilala ng MC sa necklace kaya natauhan ako lalo na sa sobrang laking halaga.
"55 million." Rinig ko kasunod ang bulungan.
"The highest bid so far!" Masayang sabi ng MC.
Gulat parin ako lalo na ng itapat samin ang spotlight. Dahan dahan kong tinignan si Rhys at nagkatinginan kami.
BINABASA MO ANG
LUST [COMPLETE]
General FictionWARNING: R16+ | SPG Sinful Series (7 Deadly Sins): LUST Know for her extraordinarily enchanting beauty is Vanadey Anise Arellano, The Philippines top model, Who is keeping a big dark yet fantastic and magical secret. And well, she's secretly married...